Author's POV
Nagising si Courtney dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
"Yaya! Close the fvcking curtains! It's fvcking annoying!" Inis na sigaw niya at agad namang pumasok ang isang maid. Agad na yumuko ang maid kahit pa nakatalukbong sa kumot si Courtney.
"Your mother and father's siblings are here to visit, miss." Agad na nanlaki ang mata ni Courtney at agad niyang naalis ang kumot sa katawan.
"Sila tito?!" Gulat na tanong niya.
"Yes, mi---"
"Omo! Tell them I'm getting ready!" Excited niyang sabi at walang nagawa ang maid kundi ang magbow nalang ulit sa kanyang amo.
---
"What's taking her so long?" Yves asked habang patingin tingin pa sa wrist watch.
"Your daughter had a date yesterday. Baka nag-aayos palang iyon." Agad na kumunot ang noo ni Yves sa sagot ni Yasmin.
"Date?" Sabay na tanong ni Yves at Damon Paul.
"Yes. A date." Simpleng sagot ni Yasmin.
"Tito!" Agad na napangiti si Damon nang marinig niya ang tinig ng pamangkin.
"Courtney. How are you? Dalaga ka na!" Masayang bati nito at ngumiti si Courtney. Nagyakapan ang dalawa at hinalikan pa siya ni Courtney sa magkabilang pisngi.
"I'm fine, tito. Naks! Walang kupas! Gwapo pa rin ha? Bakit ngayon lang po kayo napadalaw? Where is tito Sean and tito Johnrey?"
"They're in the living room. Nagkukwentuhan sila ng mga kapatid mo."
"Well, I guess I need to go there, tito." Nakangiting sabi ni Courtney at tumango lamang si Damon.
"We'll be there too." Tumango si Courtney at saka naglakad patungo sa living room.
---
"Hi mga tito!" Hindi pa nakakapasok sa kwarto si Courtney ay masigla na siyang bumati.
Agad namang napatayo ang lahat ng nasa living room. Nagulat sila nang mabilis na makarating si Courtney sa kanilang harapan.
"Oh?! Ikaw na ba yan, Courtney?! Grabe! Walang kupas ang iyong ganda!"
"Pamangkin! Ang ganda mo ha?!"
"Mga tito, ang aga aga nagbibiro kayo. Grabe! Namiss ko kayo ng sobra!" Nakangiting sabi ni Courtney at saka niyakap sina Sean at Johnrey.
"Namiss ka rin namin, Pamangkin! Ano?! Dating gawi ba?!" Masiglang tanong ni Sean. Tinutukoy ni Sean ang kanilang nakasanayang paglalaro ng basketball at kung ano ano pang nakakapagod na sports.
"Tito, hindi pa po kasi siya pwedeng magpagod pagod." Sa halip na si Courtney ay si Calyxe ang nagsalita.
"Why? What happened to noona?" Napalingon ang lahat kay Cyrus nang magtanong ito. Sa halip na sagutin ang tanong ni Cyrus ay hindi siya pinansin ng kanyang mga kasama sa kwarto.
"Ah oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan ang lagay ng iyong puso." Napanguso si Courtney habang nililingon ang Kuya.
"What happened to noona's heart?" Nag-aalalang tanong ni Cyrus at sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya magawang makuha ang sagot sa tanong niya. Hinawakan lang siya ni Crystal sa balikat na tila nagsasabing tumigil muna ito sa kakatanong.
"Maayos naman na ako, Kuya, diba?" Umaasang tanong ni Courtney na ikinabuntong hininga ni Calyxe.
"Yes, you are. Pero hindi ka pa pwedeng magpagod ng husto. Kagagaling mo palang, Courtney. Hayaan mong magpahinga yang puso mo." Napabuntong hininga si Courtney.
YOU ARE READING
Searching for the Mafia Heiress (Sequel)
ActionYou can always read the first story (Searching for the Mafia Heiress) before reading this sequel (Searching for the Mafia Heiress). Courtney went back to the Philippines to start a new life. However, Zero targets her knowing that she's Courtney's tw...