Chase's POV
Absent si Courtney kanina. Bakit kaya? Umiyak ba siya magdamag? Nasaktan talaga siya?
May sakit ba siya? Hika?
Kahapon ko pa tinatanong ang sarili ko kung bakit ba lagi siyang nasa isip ko. Totoong lagi siyang nasa isip ko. Kagabi nga, siya ang dahilan kung bakit puyat ako.
Love at first sight ba? Pero wala akong maramdaman kapag nakikita ko siya.
Nakakaawa siya kahapon. Saksi ako! Tsk. Kung hindi lang gwapo yung ex niya, matatawa ako kung bakit naghahabol pa siya. Ang bobo din kasi nung ex niya eh, makikipag-break na nga lang with flowers pa! Ulol! Talagang aasa yung babae, sinong tanga ba naman ang makikipag-break ng with flowers?! Tangina, siya lang!
Ano 'yun? Sa tingin niya ba dederetso na si Courtney sa kabaong pagkatapos ng break up nila?! Tsk! Ang hangin niya ha!
Hindi dapat pinaghahabol ang mga babae. Lalo na at si Courtney iyon. Maganda at sexy. Tsk!
Napailing ako para wisikin ang mga naiisip ko.
Binuksan ko ang telebisyon at balita ang bumungad sa akin. Kumunot ang noo ko sa nakita kong litrato.
Courtney?
"Mansion ng mga Emmanuelle, pinasok?" Pagbabasa ko sa headline.
How's that? Sa tuwing mapapadpad ako roon, sobrang dami nilang guards na nagbabantay sa labas ng mansion. At mukhang pati sa loob ay ganoon rin.
Paanong napasok sila?
Bakit may litrato si Courtney sa screen? Did they kidnap her?! What the fvck!
'Mansion ng kilalang pamilyang Emmanuelle ay pinasok at mukhang pagpatay ang motibo nito. Ngayon lamang nagbigay ng pahayag ang biktimang si Crystal Brooklyn Emmanuelle dahil kagigising niya pa lamang mula sa pagkaka-ospital. Ang pahayag ng dalaga ay kakagising niya pa lamang nang biglang may tumutok ng baril sa kanya. Nanlaban ang dalaga ngunit hindi niya rin kinaya ang suspect. Walang nawalang gamit kaya pinaghihinalaang pagpatay ang motibo ng krimeng ito.'
Crystal? I'm sure na si Courtney ang nasa litrato. Paanong si Crystal iyon? Bagsak ang buhok ni Crystal at medyo kulot naman ang buhok ni Courtney. Ang babae sa litrato ay medyo kulot ang buhok. Sigurado akong si Courtney iyon.
"You're here?" Pinatay ko ang telebisyon at lumingon sa direksyon ng lalakeng nagsalita.
"This is my house. Of course, I'm here."
"Well, kamusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong niya na ikinangiwi ko.
"Sumadya ka ba rito para itanong yan? Wala ka bang pantawag para sana nagtawagan nalang tayo."
"Sa personal ko gustong malaman ang sagot mo, kapatid."
"Naiirita ako kapag nakikita kita eh." Nakangising sabi ko at sumama ang mukha niya.
"Pareho lang tayo."
"Eh bat nandito ka pa?" Nababagot kong tanong at umismid siya.
"Dahil inutusan ako ni Mom. May dinner tayo later. May importante rin tayong pag-uusapan. 'Wag kang mawawala."
"Kabisado ko ang daanan papunta roon, Kuya. Wag kang mag-alala, hindi ako mawawala."
"Tutuloy na ako. Binabasag mo na naman ako."
"Ingat." Importanteng pag-uusapan? Paniguradong tungkol na naman ito sa kanila.
Courtney's POV
YOU ARE READING
Searching for the Mafia Heiress (Sequel)
AzioneYou can always read the first story (Searching for the Mafia Heiress) before reading this sequel (Searching for the Mafia Heiress). Courtney went back to the Philippines to start a new life. However, Zero targets her knowing that she's Courtney's tw...