15

222 8 0
                                    

Courtney's POV

Pareho na kaming nakaupo ni Chase sa kani-kaniyang upuan namin ngunit hindi pa rin naaalis ang mga titig ng mga kaklase namin.

Sino naman kaya ang magpo-post ng mga pictures na ganon? Paniguradong pagagalitan na naman ako ni Mom kapag nalaman niyang kila Chase ako pumunta kagabi.

Umingay na naman sa labas ng silid kaya batid kong nandito na si Kuya. He entered the room furiously, Crystal is on his back. Nagulat ako sa sama ng tingin niya pero hindi ko iyon ipinahalata.

Nang makarating siya sa harap ko ay nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Galit siya. Bakit?

Napasinghap ako nang ibagsak niya sa mesa ko ang kamao niyang naglalaman ng isang nalukot na papel.

Binuksan ko ito at napataas ang kilay ko. Ito yung picture namin ni Chase. Napalunok ako at tiningnan siya. Sobrang sama ng tingin niya.

"Explain that." Nagtitimping sabi niya.

"I don't have something to ex----"

"Damn it, Courtney! What if he does something to you?" Galit na tanong niya at hindi ako makapaniwalang natawa.

"He will not do something to me."

"Oh shut up! You left home last night without even telling us!"

"Kuya, not here. Nakakahiya." Singit ni Crystal at hinawakan ang braso ni Kuya para pigilan ito.

"Bitawan mo ako, Crystal." Malamig na sabi ni Kuya kaya seryoso akong napatingin sa kanya.

"Crystal knows why I left. She's the reason, by the way."

Nag-igting na rin ang panga ni Crystal at tumapat siya kay Kuya para makita ko siya.

"Ano? Isisisi mo sa akin ang lahat? So, sa tingin mo, kasalanan ko ang lahat ng ito?"

"Bakit? Hindi ba?" Nakangising tanong ko at mabilis na dumapo sa aking pisngi ang palad niya.

"Courtney!" Nag-aalalang tanong ni Chase na nakahawak na ngayon sa balikat ko. Agad ko siyang dinapuan ng tingin at mas lalong lumaki ang ngisi ko nang tingnan ko ulit si Crystal.

"Sa ginawa mo, mas pinapatunayan mo lang na kasalanan mo." Malamig na sabi ko at saka lumingon kay Kuya.

"I went to see if he's okay. Dos went to see him."

"What?" Gulat na tanong ni Crystal kaya ngumisi ako sakanya.

"Who's Dos?" Kunot noong tanong ni Kuya.

"He is a member of the Gang."

"What?" Tumango ako.

"You need to decide, Crystal. Isa lang ang paraan para matigil ang lahat ng ito."

"Ano?" Hindi ako makapaniwalang natawa sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang hindi niya alam ang solusyon sa kagagahan niya.

"Bumalik ka."

"Ha?"

"Bumalik ka." Pag-uulit ko.

"What?"

"Bumalik ka." Sa pangatlong pagkakataon ay inulit ko iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chase. Tinapunan ko siya ng tingin kaya natigilan siya.

"Hindi isusugal ni Crystal ang buhay niya." Ngumisi ako kay Kuya.

"Well, in the first place, it's her choice. Let's just stay put and wait for our deaths."

Searching for the Mafia Heiress (Sequel)Where stories live. Discover now