Chase's POV
Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa pangyayari kahapon. Sobrang nakakagulat. Ganoon kadali para kay Courtney na kalasin ang tali sa katawan niya. Ganoon din siya kabilis kung gumalaw. Saan at kanino niya natutunan ang mga iyon?
Pwede kong malaman kung sino ang Zero na iyon kung hindi pinutol ni Courtney ang pagpapakilala ni Zero sa akin. Zero M.
Nang pumasok siya rito sa silid ay tinitigan ko siya. Nababalutan siya ng misteryo at kung titingnan ka niya, parang hindi ka niya kilala. Parang hindi ka niya kilala kapag tinitingnan ka niya pero sa loob looban niya ay lubusan ka na niyang kilala.
"Hanggang ngayon ba hindi mo makalimutan ang nangyari kahapon?" Agad na nabura ang mga tanong sa utak ko at napatingin kay Courtney, hindi ko man lang namalayang nandito na pala siya sa tabi ko.
"Uhm. No. I'm just thinking."
"Yes, you are. You're thinking about what happened yesterday."
"And why do you say that?"
"You look at me as if you're investigating what happened."
"Am I that obvious?"
"Duh? Of course."
Hindi na ako nakasagot pa dahil umingay bigla sa labas ng classroom. Napapailing nalang akong tumingin sa pinto. Hinintay kung sino ang papasok dito kahit na kilalang kilala ko na kung sino.
"I'm tired of this." Nababagot na sabi ni Crystal na tinutukoy ang ingay na dala ng fans ng Kuya niya.
Napatingin siya sa akin nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya.
"I'm sorry." Nagtataka ko siyang tiningnan ngunit hindi niya ako sinagot.
Why? Bakit? Bakit siya nag-sorry?
"Good morning, bro." Bati ko kay Calyxe sabay abot pa ng kamay ko para makipag-kamay.
Inosente niyang tiningnan ang kamay ko at saka ako tiningnan. Napatingin din ako sa kanya dahil ang weird niya!
Nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang pala-pulsuhan ko at tiningnan ang bakas ng tali doon.
"Where did you get those?" Tanong niya at binitawan ako. Tiningnan ko si Courtney, tila ba humihingi ng permiso. Permiso para sabihin ang totoo.
"Psh. If I am not mistaken, you two are together yesterday." Hinablot niya ang kamay ni Courtney at may nakita ring bakas doon. Mas malala nga lang yung akin dahil mas mahigpit ang pagkakatali sa akin.
Matalim niyang tiningnan ang kapatid niya at nagulat ako sa reaksyon ni Courtney! Walang wala! Hindi ba siya natatakot sa kapatid niya?
"I'll talk to you later." May bakas na otoridad sa boses ni Calyxe ngunit tiningnan lang siya ni Courtney na para bang handang handa siyang sagutin ang lahat ng tanong nito.
---
Hindi ko makakasabay si Courtney pauwi ngayon dahil mag-uusap daw sila ni Calyxe. Tsk!
"Take care." Sabi ni Courtney bago ako tinalikuran at sumunod siya sa Kuya niya.
Naglakad na rin ako papalabas ng University at saka nagtungo sa bahay. Actually, we have a mansion but I decided to separate my self from them.
Pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko siya. Si Kuya.
"Ano na naman?" Bagot na bagot kong tanong.
"Masama bang dumalaw?"
"Hindi kita inaasahan sa araw na ito."
YOU ARE READING
Searching for the Mafia Heiress (Sequel)
ActionYou can always read the first story (Searching for the Mafia Heiress) before reading this sequel (Searching for the Mafia Heiress). Courtney went back to the Philippines to start a new life. However, Zero targets her knowing that she's Courtney's tw...