Calyxe's POV
Dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi pa gising si Courtney. Sa nakalipas na dalawang araw ay palaging dumadalaw si Chase. Binibigyan ko naman sila ng ilang oras para sa kanilang privacy. Dumadalaw rin sila lolo at lola. Pati yung mga kapatid ni Mom, dumalaw rin. Sa nakalipas na dalawang araw ay salitan kami ni Crystal para bantayan si Courtney. Andiyan naman si Mom para bantayan siya ngunit hindi sa lahat ng oras.
She's a Doctor.
Dad can't too. He can't cancel his schedules because it might affect our companies.
Hindi rin pwedeng si Cyrus ang magbantay kay Courtney dahil kailangan niyang mag-aral at siguradong magkukulit lang siya rito.
Sa nakalipas na dalawang araw ay palaging may mga reporters sa labas ng hospital para hingan kami ng statement tungkol sa nangyari kay Courtney.
At sa nakalipas na dalawang araw ay wala pa ring pagbabago kay Courtney. Hindi siya gumigising. Mas lalo siyang namutla.
Today's Thursday and I hope that she'd wake up now.
I really can't bear to watch her lying down here. Again.
Ipinatong ko ang aking ulo sa kaniyang kama. I'll sleep for a bit. Sana pagkagising ko, gising na rin siya.
Please.
Courtney's POV
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Para akong inaantok dahil sa sobrang pagod.
Where am I?
Iginalaw ko ang aking ulo ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napapikit ako para walahin ito.
King ina. This feeling is familiar. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masyadong halo-halo.
I'm scared. I'm afraid. I'm feeling weak. I'm about to face my weakness. Again.
Akala ko hindi ko na mararanasan pang muli ito. Ngunit nagkamali ako. This is the hardest obstacle I'm facing in my life, again and again.
Zero. That jerk.
Iminulat at ibinaba ko ang aking paningin sa aking kama nang may maramdaman akong gumalaw doon.
Kuya. He's sleeping. Napagod siguro kababantay sa akin. Napansin kong nakasuot din ako ng hospital gown.
I opened my mouth to talk but I can't. Mas mahina pa sa bulong ang nagawa ko. Walang lumabas na tinig sa aking bibig kundi hangin lamang.
Fvck this feeling. King ina!
Iginalaw ko ang aking kaliwang kamay. Nakaramdam ako ng pananakit but I'm thankful that it is bearable. Inabot ko ang kamay ni Kuya. Hinawakan ko ito at pilit na hinigpitan ang pagkakahawak ko roon.
Dahan dahan niyang tiningnan ang aking kamay na hawak ang kamay niya. Sunod niya akong tiningnan kasabay non ang panlalaki ng mata niya. Hindi siya agad na nakapagsalita dahil sa gulat.
"C-Courtney. Oh shit! You're awake!" Hindi kumawala sa pandinig ko ang saya sa boses niya at saka niyakap ako. Napadaing ako ngunit hindi niya 'yon napansin.
I think I've slept too much.
Tumulo ang luha sa magkabilang mata ko at saka siya humiwalay sa akin. Pinunasan niya ang luhang kumawala sa aking mata.
"May masakit ba sayo? Why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya.
"I'm happy yet I'm sad too." He said and kissed my forehead.
YOU ARE READING
Searching for the Mafia Heiress (Sequel)
ActionYou can always read the first story (Searching for the Mafia Heiress) before reading this sequel (Searching for the Mafia Heiress). Courtney went back to the Philippines to start a new life. However, Zero targets her knowing that she's Courtney's tw...