12

232 10 0
                                    

Courtney's POV

Makalipas ang ilang minuto ay inalis na ang piring ko. Nakita kong naalis na rin nila ang piring ni Chase at seryoso na siyang nakatingin sa akin.

Seryoso kong tiningnan si Zero.

"Let him go. Wala siyang alam at kinalaman dito."

"Wala kang magagawa. Nandito na siya at may alam na." Nakangising sabi ni Zero.

"King ina." Bulong ko. Hindi ganoon kahigpit ang pagkakatali sa akin at masasabi kong makakalas ko ito ng hindi nila napapansin.

"Ano? Bibigyan ka namin ng dalawang oras para mag-isip isip. Ang bumalik o ang mamatay?"

"Bakit dalawang oras pa?" Tanong ko at ngumisi siya. Tiningnan niya si Chase bago tumingin ulit sa akin.

"Is he your boyfriend?" Umiling ako.

"Is he your friend?"

"No." Sagot ko sabay tingin kay Chase na gulat na gulat.

"Whatever."

Tinalikuran niya kami saka lumabas ng pinto. Narinig kong ikinandado pa ito. Pathetic!

"What are they saying?" Chase asked.

"Hindi ito ang oras para pag-usapan 'yan." Sinimulan kong alisin ang tali sa kamay ko.

"What are you doing?"

"Shut up and try to remove those ropes." Iginalaw galaw ko ang kamay ko para mas lalong lumuwag ang tali.

Nang lumuwag ito ay dali dali kong hinugot ang kamay ko mula sa pagkakatali.

"How did you do that?" Takang tanong niya at napabuntong hininga ako.

Sinimulan kong kalasin ang tali sa katawan ko at naging madali na iyon para sa akin. Inalis ko ang tali at saka dali daling lumapit kay Chase.

"Kailangan na nating makaalis dito bago matapos ang dalawang oras." Sinimulan kong alisin ang tali sa kamay niya.

"Masakit ba?" Tanong ko nang makita ang bakat ng tali sa palapulsuhan niya.

Mas mahigpit ang pagkakatali sa kanya.

"Hindi naman." Tuluyan kong inalis ang tali at saka sinimulang alisin ang tali sa katawan niya.

Nang maalis ko iyon ay kinuha ko ang kamay niya at tinitigan iyon. Nakokonsensya ako dahil naidawit siya sa gulong ito. Paniguradong hindi rin siya patatakasin at tatantanan nina Zero.

"Ayos lang ako." Binawi niya ang kamay niya kaya naayos ko ang tindig ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid.

There should be a way.

Nang makita ko ang bintanang katamtaman lang ang laki ay nilapitan ko agad iyon.

Binuksan ko iyon at sinilip kung may tao ba sa lalabasan namin.

Kung ako ang ikukulong niyo, siguraduhin niyong mababantayan niyo ako.

"Go." Sabi ko kay Chase na agad naman niyang sinunod. Nang makalabas siya sa bintana ay inilahad niya ang palad niya para tulungan ako. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin iyon bago isinarado ang bintana.

Sumilip ako sa kabilang direksyon at wala nga talagang nagbabantay. Ni isa wala.

Tiningnan ko ang motor na nasa tapat lang ito ng gate.

Searching for the Mafia Heiress (Sequel)Where stories live. Discover now