CHASE's POV
Pagkababa ko palang ng kotse ko ay marami nang nakatingin at nagbubulungan.
"Akala ko talaga kasabwat siya sa pagpatay kay Courtney."
"Ako rin!"
"Duh! Hindi niya magagawa iyon."
"Si Courtney na mismo ang nakapagpatunay na inosente sila ni Calyxe."
Pinagbuksan ko ng pinto si Courtney at saka siya lumabas. Hindi ko na binigyang pansin ang mga bulungan nila. Isinara ko ang pinto at saka agad na hinawakan ang kanyang kamay. Nagsimula kaming maglakad patungo sa silid namin.
"Omg. Look at that cold and poker face. She's really Courtney!"
"She's really alive."
"I can't believe that she made it."
"They're cute together!"
"Lovely!"
"They missed us." I whispered to Courtney. Tango lang ang isinagot niya sa akin. Pagkapasok namin sa classroom ay may sumabog na mga confetti sa paligid.
"Welcome back, couple!" Malakas na sigawan nila at saka inilabas ng kanilang banner.
The picture...
"Look. Dahil sa kalandian mo, may nakakita sa atin." Ramdam ko ang pagkainis sa boses ni Courtney.
It was Courtney and I, kissing, near her car and outside of my house. Napadaing ako dahil sa pagkurot niya sa tagiliran ko.
"Masaket." Daing ko at hinimas ang tagiliran ko.
"Thank you for the warm welcome, classmates." Ako na ang nagpasalamat para sa aming dalawa ni Courtney. Hindi magpapasalamat iyon.
"Can we take a picture?" Tumango nalang ako at saka hinila si Courtney na papaalis na.
Nakita ko si Calyxe. Nandito na din pala siya. Nakita ko ang banner niya na nakasabit sa pader ng silid namin. Mukhang sinorpresa rin nila siya. Nang maka-ayos kami sa harapan ay humila ng isang lalake ang isa naming kaklase mula sa labas ng silid.
"Picturan mo kami. Thanks." Hinapit ko sa bewang si Courtney.
"Love, ngiti ka ha." Bagot siyang tumango.
"1, 2, smile!" Ngumiti ako at nakita ko ang tatlong beses na flash galing sa camera.
"One more!"
"1, 2, wacky!" Hindi ako nag-wacky. Wala sa bokabularyo ko iyon.
Pagkatapos ng picture taking ay nagtungo kami ni Courtney sa upuan namin. At hindi na nag-abalang maglinis ang mga kaklase namin.
Pagkapasok ng homeroom teacher namin na si Ma'am Santos ay nagturo siyang may pa-confetti sa paligid.
Lumipas ang buong araw na hindi ako nakinig sa tinuturo ng mga guro sa harapan. Masyado akong masaya para makinig sa mga leksyon nila.
"Pupunta muna ako sa dean's office." Pagpapaalam ni Courtney.
YOU ARE READING
Searching for the Mafia Heiress (Sequel)
ActionYou can always read the first story (Searching for the Mafia Heiress) before reading this sequel (Searching for the Mafia Heiress). Courtney went back to the Philippines to start a new life. However, Zero targets her knowing that she's Courtney's tw...