Courtney's POV
Nang magising ako ay naramdaman kong nasa isang kama ako. Napatingin ako sa kisame nang may marinig akong kalabog doon.
Mabilis akong bumangon at saka lumabas. Sa labas ay nakita ko si Calyxe at Chase na kinakalaban sina Cyril at Brian.
"Stop this, Cyril!" Malakas na sabi ni Chase habang patuloy na nilalabanan ang kapatid.
"I've come too far, brother." Nakangising sabi ni Cyril at sinuntok ang mukha ni Chase.
"Stop it!" I yelled at them. Natigilan sila at lumingon sa akin.
"Courtney!" Bakas sa boses ni Chase ang kaba nang tawagin niya ako. Lalapit na sana ako sa kanila kaso biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Nang lingunin ko ay nakita ko si Mark.
Imbes na hayaan siyang hawakan ako ay hinawakan ko ang kamay niya at ipia ikot patungo sa likod niya. Nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko ay nagpakawala ako ng sipa at may natamaan ako, si Clark. Nang tumingin ako sa itaas ay nakita ko si James na minamaniobra ang yacht. Dahil doon ay nakawala si Mark sa hawak ko sinakal ako.
"Fvck, Mark, stop that!" Sigaw ni Chase at lalapit na sana sa amin kaso hindi siya hinayaan ni Cyril.
Hinayaan ko si Mark na sakalin ako. Pero gamit ang paa ko ay pinatid ko siya para matumba siya. Dahil doon ay natumba siya at nakawala ako sa pagkakasakal niya sa akin. Mabilis akong lumapit kay Brian na sinipa ang kapatid ko sa tiyan. Sinipa ko rin siya tulad ng ginawa niya sa kapatid ko pero sa ulo ko iyon ginawa.
Bahagya siyang nahilo at napahawak sa ulo.
"Courtney!" Nang lumingon ako sa tumawag sa akin ay narinig ko ang pagkasa at pagputok ng baril.
Naramdaman ko iyon sa hita ko at agad na umagos ang dugo mula roon. Pero hindi iyon natapos doon, nagpakawala pa si James ng isang bala at ang braso ko ang tinamaan.
Nahawakan ko ang braso ko at napaupo nang maramdaman ang sakit sa hita ko.
Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura nina Kuya at Chase.
Author's POV
Nagulat sina Yasmin nang makarinig sila ng putok ng baril. Hindi lang isa kundi dalawang beses. Hindi na sila mapakali dahil kanina naaaninag nila sa yacht ang paglalaban nina Calyxe at Cyril.
"Where's the police?!"
"Parating na raw po." Sagot ni Jin.
Sa yate ay wala nang malay si Calyxe dahil pinagtulungan siya nina Mark, James, at Brian. Si Chase ay kinakalaban pa rin ang kapatid. Si Courtney ay pilit pinipigilan ang pag-agos ng dugo sa braso at hita niya.
"Pasensya na. Kung mamamatay kami ay isasama nalang namin kayo." Tumingin si Courtney kay Cyril. May hawak itong remote na may malaking button sa gitna. Nasisiguro niyang bomba iyon.
"I implanted bombs here. Isang pindot lang ay sasabog na ito." Natigilan si Chase.
"Stop it, Cyril. This is too much."
"It's not too much. Tama lang ang ginagawa ko. Kung makukulong kmi ay mas mabuting mamatay nalang, pero siyempre, kasama kayo." Nakangising sabi nito.
Napalingon sila sa jet ski na tumigil malapit sa yate. It's Cullen. Nang makalipat si Cullen sa yate ay sinalubong siya ni James sa ibaba at doon sila naglaban.
"Chase, pasensya na. Kahit kapatid kita ay kaya kitang patayin."
"No, you won't do this."
YOU ARE READING
Searching for the Mafia Heiress (Sequel)
ActionYou can always read the first story (Searching for the Mafia Heiress) before reading this sequel (Searching for the Mafia Heiress). Courtney went back to the Philippines to start a new life. However, Zero targets her knowing that she's Courtney's tw...