Courtney's POV
King ina.
"'Wag mo siyang sasaktan." Nagbabantang sabi ko at ngumisi siya. Binitawan niya ang kapatid ko at hindi ko inaasahan ang pagsuntok niya sa mukha nito.
"King ina! I told you not to hurt my brother!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa mga lalakeng nakahawak sa akin.
"Isa pala siya sa kahinaan mo? Hmm. Ano kayang mangyayari kapag siya ang pinatay ko at ikaw ang mabubuhay?"
"Kill me! Don't hurt my sister!" Gulat akong napatingin kay Cyrus. Umiling ako at tumango lang siya sa akin.
"No! Ako! Ako nalang! Kill me! Stay away from my family!" Humalakhak si Zero.
"Mas madaling pagbigyan ang pabor ng kapatid mo. Ayoko ng drama kaya ang mas madali nalang ang pipiliin ko." Nanlaki ang mata ko at saka tumulo ang isang butil ng luha mula dito.
"Patayin niyo 'yang lalake. Sa labas niyo gawin at kung maaari sa malayo na rin, malayo rito. Ayokong madungisan ang lugar na ito."
"At itong babae, Boss?"
"Pakawalan niyo mamaya. After 10 minutes. Para hindi niya mailigtas ang kapatid niya."
Hinila nila palabas ang kapatid ko. Halos mapunit ang labi ko sa sobrang pagkagat para pigilan ang galit at luha ko.
"Walang hiya ka! Pagbabayaran mo ang gagawin mo!" Mas lalo akong nainis nang humalakhak lang siya
"Pakawalan mo akong king ina ka! Hayop ka!" Nagpumiglas ako ngunit hindi na ako makawala dahil itinali nila ang kamay ko sa likod habang ang paa ko naman ay itinali rin.
"Zero! Pasasabugin ko ang bungo mo kapag nakawala ako!"
Humalakhak lang ulit siya habang pinapanood ang paraan ng pagpupumiglas ko.
"Babalik na ako sa Gang niyo! Don't kill him!"
"Too late. Dapat sinabi mo na iyan noong hindi pa kita kilala. As you said, hindi ikaw si Crystal dahil ikaw si Courtney." Nakangising sabi niya.
Nakayuko lang ako habang hinihintay na kalagan nila ako.
Sana naman nakatakas si Cyrus. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa pamilya ko kung sakali.
'Please. Please. Save yourself.' -Courtney.
Tumulo pang muli ang ilang luha mula sa mata ko bago ako nagpigil.
---
Makalipas ang sampung minuto ay kinalagan nila ako. Sampung minuto lang iyon pero pakiramdam ko ay ang tagal nila akong itinali.
"Where is he?" Naiiyak na tanong ko.
"They buried him already. Too late." Nakangising sagot ni Zero sa gilid ko.
"Wala kang puso."
"Meron. Gusto mo i-donate ko sayo?"
"May sarili akong puso, hindi ko kailangan ng iyo."
"Go home. Take a rest and then, invite me when it's already your brother's burial." Napalunok ako at naikuyom ko ang kamao ko. Humarap ako sa kanya.
"Wait for me. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko."
Ngumisi siya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang kaba sa mata niya. Naglakad ako palabas ng gate at saka doon ibinuhos ang emosyon ko.
YOU ARE READING
Searching for the Mafia Heiress (Sequel)
ActionYou can always read the first story (Searching for the Mafia Heiress) before reading this sequel (Searching for the Mafia Heiress). Courtney went back to the Philippines to start a new life. However, Zero targets her knowing that she's Courtney's tw...