tula #5

369 2 0
                                    

Masaya ka na ba ngayon...

Masaya ka ba ngayon?
Ngayon na tumigil na ako
tumigil sa kakapursige sayo?

Masaya ka na ba ngayon?
ngayon na wala ng nangungulit sayo?
ngayon na wala ka ng naririnig sakin

Masaya ka na ba ngayon?
ngayon na itinigil ko na ang pagkakagusto ko sayo?
na wala ka ng natatanggap na goodmorning at goodnight?

Masaya ka na ba ngayon?
dahil nakapagpaiyak ka nanaman?
dahil may bago ka nanamang laruan?

Laruan lang ba talaga kame?
Hindi mo ba talaga kayang magseryoso?
Kasi ko-konti nalang kame
Kame na nagmamahal sayo

Tao lang kame
napapagod din.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon