tula #15

122 0 0
                                    

Kaibigan, kaibigan mahal mo ba ako? dahil sa kilos mo palang nakikita ko na at hindi ko malaman kung anong dahilan ng pagtawa mo tuwing nagsasalita ako.

Kaibigan, kaibigan may pagtingin ka ba sa akin? dahil sa mga titig mo palang kumikinang na ang iyong mga mata na para bang punong puno ng mga bituwin na nag nining-ning.

Kaibigan, kaibigan sabihin mo nga sa akin ito ba'y imahinasyon ko lang o nahuhulog ka na sa akin ng hindi mo man lang namamalayan?

Kaibigan, kaibigan dapat na ba kitang lumabayan? dahil sa mga ikinikilos mo palang ako'y natatakot na parang hindi ko na kayang makita kang tumitingin sa akin na may lungkot sa mata na para bang hindi mo na kaya.

Kaibigan, kaibigan dapat na ba kitang kausapin? Para hindi ka na mahirapan pa at makapili ka pa ng iba? Ako ba talaga ang gusto mo? Or imahinasyon ko lang ito?

Kaibigan, kaibigan nakita kita na may kasamang iba, tila ba'y gumuho ang mundong akal ko'y akin na hindi mo naman sinabi sa aking may iba ka na pala, akala ko kasi ay ako na yun pala may iba pa.

Kaibigan, kaibigan wag kang magalala magiging maayos din ang lahat pero pakiusap naman oh kung pwede lang sanang wag kang magpapakita sa akin na kasama mo sya.

Kaibigan, kaibigan tandaan mo na kapag ika'y asa panganib o nasasaktan andito lang ako handang makiramay sayo.

Kaibigan, kaibigan ang akalang kong may pagtingin ka sa akin ay yun palang pagkahulog ko sayo, sayong inakala kong magtatapat ngunit yun pala'y sa iba ka nararapat.

Kaibigan, kaibigan mahal kita
higit pa sa akala mo na araw gabi ay gusto kitang makita at makasama, makayakap man lang hanggang sa tanghali.

Kaibigan, sana umabot tayo higit pa sa kaibigan, yung nagmamahalan maging ka-ibigan man lang kita kahit pansamantala.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon