tula #13

137 0 0
                                    

Akala

Araw-araw gabi-gabi chat dito chat doon, kwentuhan, tawanan puro masasayang bagay ang napaguusapan

Ngiti dito ngiti doon parang ang sarap pagmasdan ang mga ngiti sa labi mo sana'y totoo sila.

Kumikislap ang mga mata habang tinititigan mo ang screen ng cellphone mo.

Pero lahat pala nang makikita mo ay puro akala lang. Akalang masaya sya, akala mo totoong ngiti, totoong masaya kaso hanggang akala ko lang pala.

Akala ko masaya ka na sa piling nya kaya hindi na kita kinausap pa, hindi pala.

Akala ko hindi mo na ako kaylangan na kakwentuhan kaya hinayaan na kita, yun pala kaylangan na kaylangan mo pa ako.

Akala ko kaya ko na, na hindi ka kausapin dahil ika'y masaya na, akala ko lang pala.

Akala ko kapag sumaya ka na sasaya na rin ako, mali pala ako.

Akala ko nakalimutan mo na ako dahil meron na syang nagpapasaya sayo, ngunit hindi rin pala.

Saya at lungkot ang nilalaman ng puso ko, sayang hindi ko maipaliwanag dahil anjan ka parin at naalala mo parin ako pero nakakalungkot dahil lahat ng ipinapakita mong ngiti ay walang katotohanan.

Ang lahat ng nakikita ko lang pala ay puro akala ko lang.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon