tula #17

127 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ako ba'y matutuwa sa nalaman kong ako
ang pinagseselosan ng jowa mo,
hindi dahil gusto ko kayong magaway  kundi dahil nalaman kong may pag-asang maging tayo.

Hindi ko alam kung ako ba'y matutuwa dahil sa tuwing tayo'y magkakalayo at mawawalan ng connection
ay sya naman ang paghila nya sayo palayo sa aking gawi.

Hindi ko alam kung ako ba'y matutuwa dahil narinig ko
ng harap harapan
na ika'y sa akin ay may gusto
na tila ba'y kikiligin na ako ng husto.

Isang tanong lang, ako pa ba'y matutuwa dahil alam kong gusto mo ako? O ako ba'y malulungkot dahil hanggang dun nalang?

Ako'y nautuwa na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nating dalawa,
nanatili ka parin sa aking tabi
kahit kayo ay wala na
wag kang mag-alala dahil ako ay narito upang mahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na binigay nya sayo.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon