tula #10

189 3 0
                                    

M.U

M.U mutual understanding.

Sabi nila... masaya daw ang magkaroon ng M.U parang malanding ugnayan yung umasta parang kayo pero walang commitment.

Yung mag go-goodmorning, kain na
mag go-goodnight sabay tawag
or kung minsan dadalawin ka pa.

Pero ang hindi nila alam, ay mahirap
lalo na't hindi mo alam kung totoo ba talaga yung mga sinasabi nya or bola lang, kung hanggang salita lang ba sya.

Minsan may pa i love you pang nalalaman kahit wala pa sa wastong edad nagkakajowa na ng palihim, masabi lang ng mga tropa na in.

Oo masaya mag ka M.U dahil may taong nagaalala sayo kahit walang kayo. Sya yung matatawag mong special someone. Para sayo special someone pero ikaw ano ka nya?

Natanong mo ba sa sarili mo kung sayo lang ba talaga sya ganun ka sweet? Or nabulag ka na sa mga salitang magpapahulog lang sa puso mo at hindi mo alam kung sasaluhin ka ba nya at the end.

Gumising ka kasi ang M.U sa simula lang yan masaya pero habang tumagal masasaktan ka na at mas masakit pa yun kapag nalaman mo na yung ka M.U mo ay may girlfriend na.

Mas masakit pa ito sa break-up ng tunay na mag jowa kasi yung mag jowa naging sila may commitment may matatawag silang "tayo" e kayo? Ano ba kayo? Walang hamak na M.U lang.

Imulat mo ang iyong mga mata habang kaya mo pa habang hindi ka pa lunod na lunod sa kanya dahil ako na ang nagsasabi sayo masasaktan ka lang panigurado.

Masakit oo pero in time makakaya mo ring mag move-on kahit hindi naging kayo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Like
Vote
Comment
Thank u

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon