tula #12

149 0 0
                                    


Nagsulat ako para sana sayo'y makarating ang matagal ko ng tinatagong damdamin.

Kumanta ako ng maraming kanta para sana sayo ngunit wala ka palang pandinig dahil ang tenga mo'y laging nakasarado.

Inamoy ko na lahat ng pabango para sana mahanap yung ginagamit mo ngunit naalala ko hindi ka pala gumagamit nun.

Tinititigan ko ang larawan mo mula sa cellphone ko araw at gabi ngunit hindi parin sapat ang lahat dahil sa iba ka naman nakatingin.

Sinubukan kong dinggin ang pinaguusapan nyo dahilan para ako'y mapaluha sa galit sa mga narinig ko.

Hindi ko maintindihan bakit sa dami-rami ng magugustuhan ko ay ikaw pa ang napili ng puso ko samantalang ikaw naman naghahabol sa taong wala namang pakialam sa nararamdaman mo.

Andito lang ako maghihintay sayo kahit ilang taon pa ang lumipas asahan mong ika'y mahihintay wag mong isipin na ika'y makakalimutan dahil ang pangaln mo'y nakaukit na sa puso ko.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon