tula #8

238 0 0
                                    

Maligayang kaarawan

Ngayon ay aking kaarawan,
Samahan nyo akong magdiwang
dahil sa wakas ako'y malaya na,
malaya ng magdesisyon sa aking buhay.

Kaarawan, ang araw na kung saan
ang numero ng iyong edad ay magbabago kasabay ng iyong anyong panlabas.

Kaarawan, maligayang kaarawan sayo na nagsasaya kasama ang pamilya at mga kaibigan na hindi mo maintindihan kung ikaw ba talaga ang binisita o ang mga pagkain.

Maligayang kaarawan sayo na kahit hindi ko pa kilala at hindi ko pa nakikita ay nararamdaman ko na na madali lang makipag lapit loob sayo.

Maligayang kaawaran sana'y maramdaman mo ang pagibig na iyong hinahanap sa iba.

Maligayang kaarawan sana'y ika'y masaya sa araw na'to at sana'y makita kitang muli kahit hindi na to pwede pang mangyari.

Maligayang kaarawan... nais ko'y ikaw mahagkan.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon