tula 23

63 0 0
                                    

Napansin ko lang sa tuwing tayo'y maguusap tila bay kumikislap ang iyong mga mata na tila ba'y wala ng bukas

Bukas na darating sa ating buhay na tila bay kay saya ko sa tuwing ikaw at ako ay magkapiling,

Kapiling sa hirap at ginhawa, sa saya at lungkot na tayong dalawa lang ang tao sa mundong ito.

Ngunit napagtanto ko...

na ang mga mata mo'y kumikislap pala hindi dahil ako ang iyong nakikita kundi dahil sya ang laman ng mga kwento mong paulit-ulit.

Yong tipong wala ng mas gaganda pa sa kanya, yung parang sya lang ang kaya mong makita hanggang sa huli mong paghinga.

Pero heto ako nagpapakatanga naghihintay na ika'y magsawa
na sa kakasalita mo tungkol sa kanya at nagbabakasali lang naman na baka masilayan mo rin ang aking pagtingin sayo aking sinta.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon