tula #14

127 0 0
                                    

Kaya pa ba?

Kaya pa ba?
Yan ang malaking tanong
sa aking sarili,
tanong na lumalabas
tuwing nahihirapan na ako
at naiipit na sa isang situwasyong wala namang sagot na kasiguraduhan.

Kaya pa ba?
Isang tanong na mahirap sagutin
dahil sa tuwing ito'y aking naiisip bigla bigla nalang sumisikip
ang aking dibdib
na para bang hindi na mapigil
sa kakaisip kung itutuloy pa ba o tama na.

Itutuloy ko pa ba?
Kung sa tuwing pagtingin ko
Ika'y nakatulala sa kawalan at malalim ang iniisip?
O tama na dahil sa tuwing ika'y kakamustahin ay walang humpay ang iyong tingin
sa aking mata na para bang nakikiusap na itigil na.

Kaya pa ba? Dahil ako kaya ko pa
handa akong makipaglaban
para sa ating dalawa,
ngunit anong saysay
ang aking pakikipaglaban
kung ikaw na mismo
ang nagsabi sa akin ayaw mo na.

Pero kaya pa ba?

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon