tula 26

30 0 0
                                    

Masaya ka, masaya sya, masaya kayong dalawa tas heto ako nagdra-drama iniisip ang situation nating tatlo.

Masaya ka dahil sya ang lagi mong kausap, karamay at laging nanjan sa panahon ng kaylangan na para bang wala ng ibang pwedeng tumulong sayo.

Masaya sya dahil sya ang lagi mong takbuhan, kakwentuhan sa oras ng kasiyahan at tampuhan sa oras ng di nya pagsagot sa mga tawag mong paulit-ulit.

At uulitin ko heto ako nagdra-drama dahil yung taong sakin noon tumatakbo ngayon sa iba na sya nagkwekwento, yung taong ako ang lagi nyang unang tinatawagan ngayon  kahit message ko hindi nya na binabasa.

Pambihira diba ang saya nila tas heto ako nagmumukmok dahil ako yung taong hindi pinili, yung taong ginagawa lang option na kapag hindi nya sya sinagot ako naman ang tatawagan, na kapag wala sya ako ang hahanapin, yung taong panakip butas lang.

At may mensahe ako para sayo, sa oras na aking damdamin ay mawala sinisigurado ko sa'yo lahat ng pagtrato ko sayo ay magbabago

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon