tula #11

169 3 0
                                    

Kabataan

Kabataan ang pag-asa ng bayan ika nga nila ngunit ano na bang nagyayari sa mga kabataan ngayon marami ng nagbago sa mga kabayaan ngayon sa kabataan noon.

Noon ang mga kabataan makikita mo sa mga kalsada,sa mga tindahan at sa puno-puno ngunit ngayon makikita mo na sila sa mall, sa mga bar at sa mga starbucks.

Noon ang mga kabataan naglalaro lang ng mga tumbang lata, tagu-taguan at habul-habulan pero ngayon mga gadget na ang nilalaro nila.

Noon ang mga kabataan tatawagin mo darating kagaad para tumulong sa kanilang magulang ngunit ngayon kahit ilang beses na silang tawagin hindi parin dumarating dahil may kausap sa cellphone.

Noon ang mga kabataan magtitipon-tipon para maglaro hanggang hapon pero ngayon nagti-tipon tipon para gumala kasama ang barkada hanggang gabi.

Noon ang mga kabataan madali mo lang mapasaya bilhan mo lang ng mumurahing laruan masaya na at may ngiti na sa mga labi ngunit ngayon bigyan mo lang sila ng mumurahing cellphone magwawala na at i co-compare pa ang regalo nila sa regalo na natatanggap ng kaibigan nya.

Noon ang mga kabataan makikita mo nakapantalon t-shirt na may manggas at balot na balot ngunit ngayon hindi nila nakikita ang sarili nila na kitang kita na lahat ng kaluluwa kita na ang pwet, ang dede nakalabas na pero walang pakialam tas kapag nabastos maiinis at iiyak.

Mga kabataan noon kapag liligawan sila daraan muna sa mga magulang bago sila sagutin ngunit ngayon isang chat lang ng i love you bibigay na wala ng magulang na co-consinti basta gusto go lang ng go.

Mga kabataan ang pag-asa ng bayan pero pano sila magiging pag-asa kung hindi naman nila alam ang respetuhin ang kani-kanilang sarili?

Kaya mga kabataan isang palaala lamang mag-ingat kayo isipin nyo muna mga gagawin nyo baka magkaroon kayo ng regrets, hindi na kayo makakabalik sa past kaya please magingat kayo sa ginagawa nyo mahal kayo ng mga magulang nyo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Guys magingat tayo sa mga ginagawa natin pinapagalitan lang tayo ng mga magulang natin dahil mahal nila tayo at gusto nilang lumaki tayo ng may respeto sa sarili. Our parents love us❤

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon