tula #20

137 1 2
                                    

Tara laro tayo ng tagu-taguan
Magtatago ka at hahanapin kita
grabe ang galing mo palang magtago
na pati babae mo naitago mo.

Tara habul-habulan
Hahabulin kita tas hahabulin mo sya
Tas paguuntugin ko kayong dalawa.

Tara patintero
Haharangan kita para hindi ka makapunta sa kanya.

Tara laro tayo ng saranggola
Papaliparin mo ko hanggang sa taas
Tas bigla mong bibitawan sa ere.

Tas maghahanap ka ng ibang kalaro dahil paulit ulit mo nalang akong nilalaro.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon