tula #9

232 0 0
                                    

Kaya ko na.

Kaya ko na ng wala ka
anim na salitang nakakapagdulot
ng sakit at dalamhati
noong ako'y inawan mo.

Isang salita na dumurog
sa aking puso na walang ginawa
kundi ang mahalin ka ng sobra
at ibigay sayo ang lahat
hanggang sa wala ng natira sa akin.

malayo ka man o malapit
hinding hindi parin magbabago
ang desisyon ko,
ang desisyong kalimutan ka
dahil ako'y sawang sawa na.

Sawang sawa na
sa lahat ng mga salitang
binibitawan mo
tuwing tayo'y nagtatalo.

Kaya ko na ng wala ka
hindi dahil may kaya na ako
kundi dahil nagising na ako
at natutunan kong may halaga ako.

Sabi mo sakin noon
hindi ako jowable.
Yes tama ka hindi ako jowable
kasi i am valuable.

Value, yan siguro ang nawawala sayo
ang hindi mo maibigay sa sarili mo
alam mo ba talaga ang ibig sabihin
ng salitang Value? in tagalog HALAGA

H-A-L-A-G-A,
please matuto kang pahalagaan
ang mga taong nagmamahal sayo
dahil kapag napagod na sila
hinding-hindi ka na nila hahabulin.

Patawad kung ako'y lumayo na
dahil ako'y natuto na at ngayon
kaya ko na...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Like and votes💕💕

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon