tula # 6

314 1 1
                                    

Sinubukan kong lumaban
baka sakaling maibalik ko pa
maibalik ang masasayang araw
ngunit parang huli na ang lahat
dahil may iba ka na.

Sinubukan kitang kausapin
ngunit ayaw mo akong pansinin,
Sinubukan kitang hanapin
nagbabakasali lang naman
na ika'y matagpuan,
ngunit tila ba'y tadhana na ang nagsasabing hindi tayo ang para sa isa't-isa kaya paalam mahal
ako'y lilisan na sa iyong buhay.

Paalam aking mahal
kung gusto mo pang bumalik
andito lang ako naghihintay sayo
kumatok ka lang at ika'y pagbubugsan ko.

Isang sorry lang ika'y papatawarin ko
ganun ako katanga pagdating sayo
Kasi ikaw lang ang tunay kong minahal.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon