tula #25

27 0 0
                                    

Diko alam kung anong pumasok sa isipan ko at naisip kong magdeactivate.

Naisipan kong umalis sa grupo nating tatlo na kung saan ang mga tawanan, iyakan, kwentuhan at ating pagsasamahan ay nabuo.

Nung umpisa akala ko magtatagal tayong tatlo yung malapantasya ang istorya na hanggang sa huli ay masaya.

Masaya naman, masaya naman nung una pero ngayon ramdam kong may nagbago, nagbago ang pagtingin mo sa kanya.

Yung pagtingin na dimo maibigay sa akin, sa akin na nanatili mula noon hanggang ngayon pero ano nga ba magagawa ko?

Kaya naisipan ko nalang umalis, hindi na muna magpaparamdam pero kinakausap ako ng konsensya ko na kung pwe-pwede bumalik na muna ako.

Kaya heto ako mukhang tanga naghihintay sa kawalan kung ano ba talaga ang aking madedesisyonan.

isang daang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon