Nakarating ng maayos si Luke sa America. Sa isang hotel sa New York sya na ka billet for his two week stay. Sa unang gabi ng kanyang pagdating, nasa balkon sya ng kanyang hotel room, nakatingin sa kabuohan ng New York. Pilit sinariwa ang unang pagkikita nila ni Lucille.
Dito sa New York nag umpisa ang kanilang kwento. Aminado si Luke na nuong umpisa kay Jade siya nagkagusto. Sabay na nakikita nya ang magkaibigan sa nurse’s station at minsan sa locker room ng ospital kung saan sila kapwa nag wo-work. Para siyang baliw na nabighani sa ganda at kabaitan ni Jade. He pursued him madly maski alam nya na may boyfriend na eto. Ang kaibigang si Lucille ang laging taga salag ni Jade sa kanyang kakulitan.
Maituturing na aksidente lamang ang kwentong pag-big nila ni Lucille. Na maski kasal na si Jade kay Andy gusto pa rin nya agawin eto. Ganun katindi at kabaliw ang isang Luke de Leon sa pag mamahal.
Ang isang gabi ng pagkalimut nila ni Lucille ay nagbunga. Nuong una ay nalilito man pilit iwinasto ni Luke ang sa tingin nya ay nararapat lamang. Pinakasalan nya si Lucille. Maski hindi pa sya 100% na sigurado sa kanyang nararamdaman para dito. Pag uwi ng Pilipinas, dun na nya unti-unting nakilala at minahal ng lubusan si Lucille.
Tinibag ni Lucille ang pader na nakaharang sa kanyang pagkatao. Tinuruan kung paano maging isang normal na tao, na marunong magparaya, mapagbigay at higit sa lahat magmahal at magpatawad.
Ang malunglot at masakit, kung kelan naman ramdam na ni Luke ang isang normal na buhay sa piling ng asawa at anak, saka naman kinuha ng Diyos ang asawa.
Aminado si Luke na sa umpisa, di nya halos matanggap ang mga nagyari kay Lucille.
(please play the video now)
Natanong nya ang sarili, Ano pa ang silbi ko bilang doktor kung sarili kong asawa di ko kayang isalba?
Nawalan sya ng ganang mag trabaho, ni itsura ng ospital ayaw nya makita man lang. Walang description ang pain na nsa dibdib nya ng mga panahon na yun. Pati si Sam ay napabayaan na nya. Mabuti na lamang at nandun ang mag asawang Wu na syang umako ng kanyang responsibilidad kay Sam while he was busy licking his wound.
Two months after mailibing si Lucille, nadatnan sya ni Andy at Jade sa kanilang bahay na halos wala sa sarili, ilang araw na puro alak ang laman ng kanyang tiyan. Ihahatid ng magasawa si Sam sa kanya. Halos 1 week na sa mga Wu ang bata at hinahanap na nito ang ama.
Pagpasok nila Jade sa sala, nakita nito si Luke na naka salampak sa sahig at nakatungo. May hawak na bote ng alak sa kaliwang kamay. "Andy, ilabas mo muna si Sam. Kakausapin ko lang si Luke." Ang mahinang pakiusap ni Jade sa asawa. Walang imik na kinuha ni Andy si Sam kay Jade at tahimik na pumunta sa garden.
"Luke, what do you think you are doing?" tanong ni Jade sa lalaki.
Dahan-dahan na umangat ng tingin si Luke. Hinanap ang pinagmulan ng boses. "J-jade! Hindi ko kaya.....I loved her so much..." tuluyan ng pumatak ang luha sa mga mata nito.
"Luke, ramdam ko ang kawalan mo. Masakit sa ating lahat. Pero kailangan mong mabuhay para kay Sam!" Pag aalo ni Jade sa kaharap. Siya man ay naiiyak na rin, sa awa at sa sakit dulot ng pagpanaw ng kaibigan. " I will be forever grateful kay Lucille. Kung di dahil sa kanya wala na rin ako ngayon dito, Luke."
"Jade, mapaglaro talaga ang tadhana, kung kelan ready na akong harapin ng bukas kasama si Lucille, saka naman nya ako iniwan. Ang daya nya." Parang batang impit na umiyak eto sa isang sulok ng sofa.
"Madaya talaga si Lucille. Pero naniniwala ako na ang lahat ng eto ay may rason, Luke. Ikaw ba gugustuhin mo ba na makita ka ni Lucille na nagkakakaganyan? Si Sam napapabayaan mo na, hinahanap ka na ng anak mo! Please tama na ang pagmukmok mo! Pati propesyon mo napapabayaan mo na. Nandito kami ni Andy, karamay mo kami Luke."
BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
Любовные романыA love so beautiful ay kwento ni Luke De Leon. Isang karakter sa sinulat ni Ate Gidget Corpuz, ang Ako'y Para Sayo Lamang. Unang basa ko pa lamang sa APSL na lumabas ang kanyang karakter ako ay na paisip na sa kung anong klaseng tao sya kung sya ay...