"L-luke?"
Hindi na nabigla si Luke sa kanyang nakikita.
As if he was ready expecting this meeting.
For such a long time.
Matama nyang pinagmasdan ang kaharap.
"What do you want from me? Matagal mo na akong itinakwil di ba?" Hindi mapigilan ni Luke ang sariling emosyon sa muling pagkikita nila ng kanyang ama. Pilit man nya kontrolin ang sarili, iba ang lumalabas sa kanyang mga labi sa oras na yun.
"Luke, can we talk?" Pakiusap ng ama. Malumanay ang boses, ibang-iba sa huli nilang pagkikita. Pinagmasdan mabuti ni Luke ang kanyang ama. Inaarok kung ano ang motibo nito sa pakikipagkita sa kanya.
Luke, di ba eto ang gusto mo, ang magkita at magkausap kayong dalawa? Bakit ngayon pilit mo syang nilalayuan? Tila naririnig nya ang tinig ni Lucille sa kanyang likuran ng mga sandaling yun.
"Ok. We will talk. Follow me to my room." Nasambit nya sa wakas. Tamang tama nagbukas ang elevator.
Pumasok silang dalawa. Habang paakyat ang lift ay walang kibuan ang mag-ama. Parehas na nakikiramdam sa bawat isa.
Pag pasok sa kanyang hotel room agad na inilapag ni Luke ang mga pinamili sa mga bata sa maliit na console table sa ante room ng kanyang kwarto.
"Sandali lang ako, find yourself a seat. There are drinks at the bar. Do you mind getting yourself one?" Dagling sabi nya dito bago pumasok sa kanyang kwarto.
Sa loob ng kanyang kwarto ay hindi alam ni Luke ang kanyang gagawin.
Why all of a sudden napipi ako sa harap nya? This is your chance Luke! Don't miss it! Kastigo nya sa kanyang sarili. Makailang buga ng kanyang hininga si Luke bago nagpasyang lumabas ng kanyang kwarto. Naabutan nya sa mini bar ang ama at may hawak na kopita ng alak. May inihanda rin etong baso para sa kanya.
Agad na kinuha ni Luke ang baso at deretsong nilagok ang laman nito. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang init ng scotch na laman ng baso. Nakatulong sa kanya ang init na dulot nito.
"Luke, we need to talk. It's been a long time already. And I know I did you wrong!" Panimula ng kanyang ama.
"Hah! So what made you realized that?Do you think its important now? Pagkatapos ng lahat?" Di napigilang asik ni Luke sa kaharap.
Hindi naman nagpatinag ang ama nya. Malumanay pa rin ang boses nito. Puno ng pagpakukumbaga.
"Dorothy confessed everything to me. I know it was such a long time ago and maybe masyado ng matagal na panahon ang nag pader sa hidwaan natin, but Luke anak, I'm so sorry for not believing in you. I got blinded by my feelings for her at that time, I hope you can find it in your heart to forgive me." Mahabang paliwanag nito sa kanya.
"Nasaan na ang asawa nyo ngayon? What makes you think that she won't do that same things all over again?" Tanong ni Luke.
"We finally filed for divorce and it was finalized two months ago. But we try to be friends for your siblings' sake. Max & Wanda are already grown up. They understand." Paliwanag nito sa kanya. May dalawang anak ang ama niya kay Dorothy. Kung di sya nagkakamali nasa 15 & 17 na ang mga eto.
"I have been meaning to call you, matagal na." Dagdag pa nito.
"Oh yeah? Di halata! Inantay nyo pa na pumunta ako ng America. Paano kung di ako nag punta? Akusa nya muli sa kaharap.
"Aaminin ko naunahan lamang ako ng takot, paano kung di mo ako kakausapin or you wont give me a chance just like what I did to you a long time ago?" Puno ng pagsisisi na kumpisal ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA love so beautiful ay kwento ni Luke De Leon. Isang karakter sa sinulat ni Ate Gidget Corpuz, ang Ako'y Para Sayo Lamang. Unang basa ko pa lamang sa APSL na lumabas ang kanyang karakter ako ay na paisip na sa kung anong klaseng tao sya kung sya ay...