Chapter 10

752 20 5
                                    

(Nakaka praning talaga ang moods ng isang writer! Kung kelan ngaragan sa trabaho sa office saka naman ako nasisipag mag update ng story ko! Medyo senti week lang ako, well di ko alam kung bakit. Siguro it comes with age! Ate G & Super Bangs, ayan na ha, ang lakas nyo maka hawa ng UD!

Note: Nag usap kami ni Mira just yesterday & we thought if lahat ng mga Kimxi babies pinagsama namin sa lahat ng fanfic stories, I'm sure may day care na tayo na pwede pagka abalahan!  

Lastly, I would like to dedicate this chapter to the one who gives me strenght & inspiration, always! Na maski depressed na despressed ako, mayakap ko lang o marinig ang boses nya I feel revived already! Love you so much, baby Kyle! 

Here is a short but sweet Update. Sana magustuhan nyo! :))

"Dad!" Nakapamaywang na nagpalipat-lipat ng tingin ang anak sa dalawang kaharap.

Si Luke ay expectant na di mawari sa reaction ng anak, samatalang kinakabahan naman si Cathy.

"So....?" Ang di makapag antay na tanong ni Luke.

"Well...." ang medyo di maka explain na umpisa ng bagets.

"What? Sam you're killing me!" Bulalas ng ama sa napa igtad na anak sa biglang pag lakas ng boses nito, marahil sa tensyon ng mga oras na iyon.

"Luke, ano ka ba, bata yan, let her process things first bago mo sya tanungin."

Ang saway naman sa kanya ni Cathy sabay lapit sa bata at hinawakan ang mga kamay nito.

Napabungisngis naman si Sam sabay yakap sa ama.

"Dad, you don't have to be afraid, it's about time na maging happy ka. You know I love you and if Tita Cathy makes you super happy, then it's ok with me." 

Binuhat ni Luke ang anak at sabay silang lumapit kay Cathy. "Princess, this is your Tita Cathy and Daddy loves her so much, just like how I have loved you, so can you give us a chance?”

“Dad, so long as you are happy, Masaya din po ako! Basta Tita Cathy don’t make my dad sad ha!” Ang sabi pa nito sabay baba mula sa pagka buhat ng ama.

Niyakap naman ni Cathy ang bata sabay sabi sa naluluhang tinig, “ Sam, thank you! We can be friends too, if you want.”

“Sure po, ayan Dad, I have one more friend again. Tita, just don’t make each other sad okay!? Yun lang at agad na tumakbo pabalik ng lanai ang anak at nakipag saya na sa mga kalaro.

Naiwan naman sa pool area ang dalawa. Niyakap ni Luke mula sa likuran si Cathy na nuon ay masayang nag pupunas ng luha. Di na nagpakipot pa ang dalaga, lalo pa at ok na rin kay Sam ang kanilang relasyon.  Yun lang ang agam-agam nya sa simula dahil nasa stage ang anak ni Luke na maaring di maging maganda ang pagtanggap nito sa relasyon nila. She was relieved na walang naging problema  sa bata.

“Satisfied, Babe? I told you, di magiging problema ang anak ko, she is matured for her age.” Tanong ni Luke sa kanya habang yakap-yakap pa rin sya nito.

Sinandal nya ang kanyang ulo sa balikat ni Luke at napabuga ng hangin sabay sabi,” I’m relieved Doc! Happy dahil sa tingin ko magkakasundo kami ni Sam.”

“And I can tell she is starting to like you, so better prepare your self, medyo may pagka makulit ang anak ko.” Warning ni Luke sa nobya.

“Are you discouraging me, Doc?”Humarap sa doctor ang dalaga.

Niyapos ni Luke si Cathy at sabay halik sa mga labi nito. Gumanti naman ng halik si Cathy, pero agad din naman na nagpigil ang dalaga.

Napangiti na lang ang doctor sa inasal ng nobya. “Pinapauna ko lang sa iyo, mabait ang anak ko, but she is more than the usual 8 year old, she is matured for her age and sometimes ako mismo nagugulat sa anak ko. Baka lang manibago ka sa mga tanong nya.” Esplika nya pa sa kayakap.

“Luke, I will try to be a good friend to Sam. Dun naman dapat magsisimula yun di ba? And with your help, I know both Sam & I could do no wrong.” Ang may puno ng sincerity na sabi ni Cathy.

“Thank you Babe, for accepting us, for letting us be part of you life, I love you!” at isang marubrob na halik ang iginawad ng doctor sa nobya.

(Please play the song on your right.)

Isang mahinang ubo ang kanilang narining mula sa shower area sabay dialogue ng:

“Guys, get a room, will you, minors around. “

Napatigil ang magnobyo sa kanilang ginagawa. Si Cathy ay nag blush na napalayo mula sa pagkayakap kay Luke. Si Luke naman ay parang wala lang na hinila pabalik sa kanyang mga bisig si Cathy.

“Andy, sorry pare! I just can’t help what I’m feeling right now, say you are happy for us, Pare!” Ang pagsasamo nito sa kumpare na kaka ahon lamang sa pool.

“Luke, alam mo more than anybody else, ako, kami ni Jade ang unang-una na masaya sa kung ano man ang happiness na na fe-feel mo ngayon. It’s about time for you to be happy. And Cathy, thank you for making my friend happy.” Puno ng katapatan na sabi ni Andy sa dalawa.

“Thanks, Andy, for always being there for me. Kayo ni Jade!” At nag kamay sabay yakap ng magkaaibigan.

Lumapit naman si Jade sa asawa at yumakap din eto. “ O Luke, tama na yang pagigig cheesy mo, halina kayo sa lanai at ng maka kain na. Tapus na ang mga bata at busy na sa TV room si Kian. Knowing them, lunch na mamaya di pa natin sila maawat. Tara na. Si Mark at Julia ay malapit na mag tusukan ng tinidor.”

“Jade, sinasabi ko lang sa asawa mo kung gaano ako nagpapasalamat sa inyo, for always being a good friend to me. At sa iyo rin. Thank you!” Ang muling nasambit nito kay Jade.

“Luke, ano ka ba, natural, kaibigan kita, kau ni Luciille. Pamilya tayo,”  saka hinarap si Cathy,”At ikaw din Cathy, lahat ng magiging parte ng buhay ni Luke, welcome sa amin ni Andy. Sana maging masaya kayo at bilisan nyong dalawa.” Susog pa nito sa kanila.

Napangii naman si Cathy sa sinabi ni Jade. "Thank you, Jade!" ang tanging nasabi ni Cathy. Nagyakapan ang dalawang babae at masayang bumalik sa lanai para pagsaluhan ang mga pagkain na inihanda ng pamilya Wu.

After magpahinga ay nagpasyang bumalik sa pool ang lahat. Nagpalit ng swimsuit si Cathy at saka bumalik sa pool area. Nakasalubong nya si Jade na galing naman sa mga bata sa loob ng bahay.

“Wow! You look sexy sa suot mo Cathy. Nainggit naman ako sa iyo, ako after two kids, goodbye na sa figure, not that na nagrereklamo ako ha! You look gorgeous, wait til Luke sees you.” At saka hinawakan si Cathy at iginiya papuntang pool area.

Inabutan nila na kinakabit ng mga lalaki ang volleynet sa magkabilang side ng pool. Napahinto naman si Luke sa ginagawa at napa sipol pagka kita sa kanya.  Isang simpling one-piece suit ang suot nya. Sa unang tingin nya ay di naman masyadong sexy eto kanina, pero base sa reaction ni Jade & Luke, biglang na concious tuloy si Cathy.

Medyo nag init ang pakiramdam ng dalaga sa pinakitang paghanga ni Luke sa kanya. Kinindatan pa sya ni Luke saka bumalik sa ginagawa nito.

“Tara na, boys against girls. Even na tayo, ano game na?” Hamon ni Mark sa lahat. Sabay pasa ng bola kay Luke.

Lumusong naman si Jade sa pool para umpisahan na ang laro nila. Agad naman sumunod si Cathy dito.

Masayang nag laro ang anim sa pool. Maingay na nag aaway sina Julia at Mark sa puntos ng mga babae ng may biglang dumating.

Hey everyone, am I late? Pwede pa ba sumali?

Napahinto naman ang lahat at napatingin sa pinagmulan ng tinig.

*******Do I have to guess kung sino ang humabol sa pool party? Sino sa palagay nyo ang dumating? Ano ang magiging outcome ng bagong kabanata sa buhay pag-big ng ating bida? Will Luke finally have his happy ending sa katauhan ni Cathy?****** 

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon