I dedicate this chapter to all the friends who have been with me all these time. For the joys of friendship, love & understanding. To my new found inspiration, Bunso! You know nasa iyo lang ang loyalty ko forever.You gave new meaning to my so boring life! Thanks for sharing your self & the trust! To HI-5, Ate G, Mira, The Mackulets, Bureche, Dat2, sa mga cute kong pamankins, Roene, Clarke, Raniel, Suping & of course Kyle! I love you all!
(Note: Just a short update. I will be on vacation next week but I will try to post one more chapter during the holidays, I hope!)
Napatigil naman sa paglalaro ang tatlong pareha para tingnan ang bagong dating. Napangiti si Jade pagkakita sa kanilang huling bisita.
Agad itong umahon para salubungin si Lyla.
“Of course not, you are just in time for lunch. Halika na, magpalit ka na ng pampaligo mo. Kanina pa kami naglalaro.” Ang masayang sabi ni Jade sa kaharap.
Si Lyla naman ay iginala ang paningin sa mga tao sa pool. Nakita nya sa bandang dulo si Andy, Mark at Julia. Hinanap ng kanyang mata si Luke at muntik na nya mabitawan ang dalang cakebox ng mahagip ng kanyang mata ang lalaki. Kaharutan nito si Cathy. Kitang kita nya kung paano kunyaring tinataas ni Luke ang volleyball at pilit naman inaagaw ng dalaga ang bola.
Kainis, feeling close sila ni Luke? Ang nasambit ni Lyla sa sarili. Agad iniabot kay Jade ang kanyang dalang cake. Napaupo sya sa isang upuan malapit sa grill area habang nakatingin pa rin sa pool.
“Medyo nagkakakainitan na sa laro. Madaya kasi ang group nila Mark eh, kaya ayan nagbabangayan na naman sila ni Julia.” Ang wala sa loob na paliwanag ni Jade habang abala sa pag aayos ng mga pagkain sa ibabaw ng lamesa para magkasya ang dala ni Lyla na cake.
“Sweetheart di kami madaya, Mark is just trying to explain to Julia.” Tanggol ni Andy sa team nya.
“”Oy, Mr. Wu wag mo na pagtakpan ang team nyo, baka akala mo di ko napapansin panay ang pa cute nyo sa amin para maka score kayo, eh kung di nyo kami dinadaan sa pagpapacute, nunka kayo makaka score!” Ganti naman ni Jade.
“O sya, since nanditoo na ako, maybe i can help referee as to who wins. Baka mamaya ma outside the kulambo ka pa Andy. Sige game na.” Pagtatapus ni Lyla sa diskusyon ng mga kaibigan.
Nagulat si Lyla sa nakita, dahil bago naghiwalay para pumunta sa kani-kanilang team sina Luke at Cathy, kitang-kita nya ng hinalikan ni Luke ang dalaga! Para syang dinaganan ng isang-libong aspili sa kanyang puso! Ganun pa man ay pilit inignora ni Lyla ang nakita.
Di yata at sila na! Anong klaseng babae eto, kakakilala lang eh, naging sila na agad! Ang di mapigil na usal ng babae sa sarili.
Masaya pa ring natapus ang laro, in favour sa mga girls. Pero si Julia at Mark ay hindi pa tapus sa kanilang pagtatalo.
“Julia, ano ka ba, tama na nga yan, nanalo naman na tayo ah. Tumigil na kayong dalawa.” Sita ni Jade sa nakababatang kapatid.
Natahimik naman eto pero lumabi naman kay Mark sabay ahon.
Sumunod naman si Mark sa dalaga. Sumunod na umahon ang mag-asawang Andy at Jade. Si Luke naman ay inalalayan si Cathy sa pag ahon. Agad na inabot ang towel ng dalaga at itinapis sa katawan ng nobya sabay yapos dito.
“Ikaw talaga Doc, maparaan!” Ang tukso ni Cathy sa kasintahan.
“Syempre, you look sexy as hell in that red suit. I can’t stop my self!” pag rarason pa nito habang inaalalayan si Cathy sa lounger.

BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomantizmA love so beautiful ay kwento ni Luke De Leon. Isang karakter sa sinulat ni Ate Gidget Corpuz, ang Ako'y Para Sayo Lamang. Unang basa ko pa lamang sa APSL na lumabas ang kanyang karakter ako ay na paisip na sa kung anong klaseng tao sya kung sya ay...