Chapter 5

1K 17 6
                                        

"Daddy! Tita Jade said you went to save Tito Andy & Tito Mark! You are my hero, Daddy!" Ang di maawat na na sabi ni Sam sa kabilang linya pagka dinig sa boses nya.

"Sam, Daddy is just doing his job! And besides we can't let Kian, Keisha & Tita Jade be sad if something happened to Tito Andy & Tito Mark di ba?"

"Of course Dad! Kian has been bugging me all night! I told him to keep on praying for Tito Andy & Tito Mark's safety. Sabi ko na, you will find them. You're my hero Daddy, I love you!" Lambing pa ng anak sa kanya.

Napawi ang lahat ng pagod na nararamdaman ni Luke sa mga binitawang salita ni Sam. Minsan naiisip ni Luke, bata ba talaga ang kaharap nya sa katauhan ng anak? Masyadong matalas ang pagiisip ni Sam. Minsan binibiro nya ang anak na palit sila ng role sa buhay, si Luke ang anak at si Sam ang nanay! IIrapan lamang sya ng anak, sabay padyak! Ugaling nakuha sa ina ang lagi niyang tukso sa anak.

Habang lumalaki si Sam mas lalong lumalabas ang madaming katangian ng yumaong asawa sa pag uugali nito. Hindi man nakapiling ang ina ng matagal, lumaki na maayos ang anak. Mahirap maging single parent lalo pa at babae ang kanyang anak. Salamat sa kanyang hipag at sa mag asawang Wu, di nya nakitaan ng kakulangan ang pagpapalaki sa anak. Dalangin lamang ni Luke na mapalaki nya ng maayos si Sam. 

"Sam, it's late already. You go to sleep na. Daddy is ok. But I still have to be on standby. I will check on you tomorrow." Paalam nya sa bata. Past na sa normal na uptime ng anak pero alam ni Luke na di matutulog ang anak kapag di sila nagkakausap lalo pa at nasa labas sya. 

"Okey, Dad! Promise you will call me in the morning, ha! Good night daddy, take care!" Bilin pa nito sa kanya.

"Good night, my princess! I love you! Will call you tomorrow, bye!" Agad naman bumalik si Luke sa kwartong pinagdalhan sa tatlong na rescue nila.

Naabutan nya si Andy na nakatayo na sa kanyang kama at may hawak na radyo. As usual busy na agad eto sa pag monitor sa pangyayari sa labas. Si Jade naman ay may hawak na papel at ballpen sa tabi ng asawa.

"Andy, how are you feeling? Magpahinga ka muna. I'm sure with the flood and heavy rains outside hahaba pa ang pag aabang natin. You need rest." Payo nya pa dito.

Ngumiti lamang ang kaibigan sa kanya. "Pareng Luke, I'm fine. I need to be up or else baka lalo lang sasakit ang katawan ko kinabukasan kapag di ko iginalaw eto. Salamat sa pagligtas mo sa amin ni Mark! We owe you!"

"And speaking of Mark, asan na sya? Don't tell me bumalik na agad sa rescue unit?" balik tanong nya habang iginagala ang tingin. Wala si Mark sa bed kung saan huli nya etong nakita.

"Ay naku, saan pa nga ba si Mark? Ayun kabuntot ni Julia! Maski masakit ang katawan at nilalamig pa, tinarayan lang ng kapatid ko, nawala bigla ang nararamdaman. Ewan ko ba dyan kay Julia, mas matindi pa ang pisi sa akin pagdating ng pagpapahirap sa lalaki!" Sabad ni Jade sa usapan nilang mag kumpare.

"So inaamin mo, Sweetheart, nasa lahi nyo ang mga masokista? Aba kawawa nga talaga si Mark! Ang tagal na nyang nagtitiis kay Julia pero si Julia ang tindi kung sa pagpapahirap lang ang usapan. Kapag yan na pundi, alam mo naman kaming mga lalaki, hanggat sa kaya namin....."Tudyo ni Andy sa asawa.

"Oy excuse me, Mr. Wu! Iba ang kaso mo sa kaso nila Mark at Julia ha!" Ingos nito sa asawa.

"Pare, baka gusto mo ikaw ang ma outside de kulambo nyan? Wag mo galitin si Jade!" Tukso ni Luke sa magasawa!

Iniwan nya na naglalambingan ang dalawa. Pinuntahan nya ang babaeng iniligtas nila Andy kanina. Nasa kama pa rin eto bagamat naka upo na. Naka benda ang magang right foot nito.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Miss San Carlos?Okay ka ba? If you need anything just don't hesitate to ask for assistance." Bati ni Luke sa babae.

"I'm fine, Doc, salamat! Pasensya na nga pala sa inasal ko kanina." Paghingi nito ng sorry kay Luke.

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon