Chapter 6

1K 18 8
  • Dedicated kay Lowela Recto
                                    

Nagulat si Luke sa kanyang nabungaran sa loob ng kanyang opisina. May isang malaking bilao ng ibat-ibang kakanin at pansit malabon na nag aantay sa kanya. Agad na tinanong ni Luke ang kanyang Secretary na si Angie kung saan galing ang mga pagkain.

"Eh Doc may nag deliver dito, mga 20 minutes ago. Delivery ng isang food chain eh. May kasamang card po, baka nakalagay kung kanino galing." Ang sabi nito sa kanya. 

Agad na kinuha ni Luke ang card na nakaipit sa ibabaw ng isang bilao. Naamoy ni Luke ang amoy ng pansit, paborito pa naman nya eto. At may kasama pang sapin2 at piche2. Naglalaway na tuloy sya sa mga bigay na pagkain. Tamang tama di pa sya nag meryenda. 

        "A small token for saving a damsel in distress!"

                                                                                 Cathy

Napangiti si Luke sa nabasa. Agad binalikan ang mga pagkain at inamoy pa eto. "Hummm! Sarap! Angie, pahinging plato at tinidor. Tawagin mo sila Myla at Weng. Masarap ang snack natin ngayon."

Agad na tumalima ang kanyang sekretarya habang si Luke ay naghubad ng kanyang lab coat na ginamit sa kanyang rounds. Pagkatapos maglinis ng katawan ay sabay na nilang tinikman ang pagkain na bigay ni Cathy.

"Eh Doc, sino po ang nag bigay ng grasya? Ang Sarap ng Piche2! Daming cheese."

Tanong ni Wela habang kumukuha ng pagkain at juice sa lamesa.  

"Galing sa isang pasyente ko sa evacuation center. At Wela, wag na maurirat, kain lang ng kain, baka mangayayat ka!" Patiuna nya sa chubby na MedSec. 

"Eh, si Doc talaga! Alam na alam ang nasa utak ko!" Natatawang ganti nito sa Doctor.

"Kasi nga tsismosa ka, mamaya mo sumakit tyan mo dyan. Kain ka lang ng kain kasi. Basta free ang snack keri na yun, di ba, Myls?" Susog ni Angie kay Wela, sabay siko kay Myla na di makapag decide kung ano ang uunahin ilagay sa kanyang plato.

Habang nag kakagulo ang tatlong babae nag ring ang mobile ni Luke. Walang naka register sa caller ID ng kanyang cp.

Sino kaya eto?  "Hello?" Magalang na sagot nya.

"Hello! Doc Luke! This is Cathy San Carlos, remember me?" Pakilala ng boses sa sa kabilang line.

Bigla namang na excite si Luke pagka dinig sa boses ni Cathy! Parang may kaiba na di nya mawari sa sarili. 

"Cathy, hello! Kamusta na! Natawag ka? Anything I can do for you?" Nag sitaasan ang mga kilay ng tatlong assistants na nasa harap ni Luke pagkadinig na babae ang kausap ng Doctor!

"Did you get the food? Pasensya ka na ha, si Jade ang kinulit ko para malaman kung ano ang pwede ko ibigay na thank you gift sa pag tulong nyo sa akin." Alanganing nahihiyang sabi nito.

"Eto I am enjoying the food right now. Salamat! Tamang tama for meryenda! Masarap!" Pag aasure nya pa sa dalaga.

"Talaga! Salamat naman nagustuhan mo." Naiimagine na ni Luke ang mga ngiti ni Cathy sa kabilang linya, with those dimples! 

"You don't have to do anything, kasiyahan na sa akin ang tumulong. Pero salamat pa rin. Kamusta ka naman? " Pag iiba ni Luke sa usapan. halos naka tunganga na ang tatlong assistants nya. Bihirang may kausap syang babae sa telepono maliban sa mga nanay ng kanyang pasyente.

"I just moved in a condo unit in Taguig. Di ako tinigilan ng parents ko hanggang di ako na pa lipat, agad-agad! My mom threatened to go home sa Pinas kung di pa ako lilipat! Actually, di pa ako tapus mag unpack ng mga gamit ko, well what I had salvaged from my old townhouse." medyo malungkot na kwento ni Cathy sa kanya.

"Oh good to hear that. At least ngayon panatag na rin ako na safe ka sa condo no matter what flood or habagat ang dadating." ang di napigilang sabi ni Luke sa dalaga!

"Ha!?Luke, ikaw talaga! Sige na, enjoy the food! Salamat ulit sa lahat lahat!" Biglang sabi ni Cathy. 

Nalungkot naman si Luke sa idea na mapuputol na ang usapan nila.

"Salamat din. Why don't we go out for coffee pag free ka, say this weekend?" Hirit pa nya bago pa magbago ang isip nya.

"Sure Luke!! But I'll let you know  by Friday. I have a client kasi na may photoshoot come Friday night."Paliwanag pa nito.

"Ok I will wait for your confirmation. And Cathy, salamat, masarap ang palabok! Paborito ko eto!" Pagtatapus  ng usapan nila.

Kinilig kilig naman ang tatlong babae sa kanyang harapan.

"Ano kayong tatlo dyan? Bakit? May problema?" Biro pa nya sa mga eto.

"Eh Doc, maganda ba?"Urirat ni Wela sa kanya.

"Naku Girls, si Doc may lovelife na! Angie, ang boss mo enlovey na!" Tili naman ni Myla.

"Hey, kaibigan ko lang yun. Wag assumera, di ba Wela?" Ganti nya sa mga asar ng tatlong babae.

Para na rin nyang mga kapatid ang mga eto. Simula ng dumating sya sa Pilipinas, si Angie at Wela na ang mga naging assistants nya sa kanyang opisina. Si Myla ang pinakahuli sa grupo.   

"Hala si Doc nag jo-joke! Naku! Mga sister! Magbunye! Pwera biro Doc! Gora lang! Supurtahan ta ka!" Susog pa ni Angie. 

"Kumain na lamang tayo ok! Tama na yang kwentuhan, masamang pinag aantay ang grasya." Saway pa nya sa mga kasama na ayaw tumigil sa kakatukso at urirat sa kanya.

Maagang umuwi si Luke ng sumunod na araw. Dinaanan nya si Sam sa school. Masaya syang sinalubong ng anak pagkakita sa kanya.

"Daddy! I'm so glad ikaw ang sundo ko today! Tita Lyla wants us to go and eat at the restaurant. Since you are here, sama ka na?" Lambing nito sa kanya habang hila hila ang kamay nya papunta sa office ng kanyang hipag.

Naabutan nyang nagliligpit ng gamit si Lyla. Ang dalaga ang naging mata ni Luke sa anak. Bukod kay Jade at Andy, eto ang isa sa katulong nya sa pagpapalaki sa bata. Naging malapit ang anak sa kapatid ng yumaong asawa. Bagay na kanyang ikinatuwa. Sam needs all the love & affection from everybody. Bagay na hindi na maibibigay ng isang ina para dito.

Minsan tinutukso pa sila ni Sam sa isat-isa. Saway ang tanging ganti nya sa anak. Ngiti lamang ang sa hipag. Wala syang makapa sa kanyang damadamin na kakaiba maliban sa tinging kapatid lamang. At ganun din ang tingin nya sa hipag.

"Lyla,  how are you? Dinig ko manlilibre ka daw sabi nitong baby ko!"Bati nya sa dalaga.

"Nariyan ka na pala Luke. Upo ka muna. Ipagpapaalam ko sana si Sam sa iyo. Kakain lang naman kami sa mall. But since narito ka na rin, sama ka na sa amin, iyan eh kung wala kang ibang lakad." Ang nahihiyang imbita sa kanya ni Lyla.

"Sure basta ba libre mo eh! Hahaha! I have nothing else to do, maaga akong natapos sa ospital. Tara lets go!" Pag sangyayon naman nya agad.

"See, Tita? I told you, papayag si Daddy & kasama pa sya!" Bida ng bata sa kanyang tita. Masayang kinuha ang kanyang backpak at naunang tumakbo sa kotse.

Masaya silang kumain sa isang restaurant sa Trinoma. Pagkatapos kumain nagyaya ang anak na pumunta sa pinakamalapit na bookstore. Knowing Sam mamaya pa eto magyayaya umuwi.

Sa ibang nakakakita sa kania, akalain na isang masayang pamilya ang kanilang itsura. Maasikaso si Lyla sa pamangkin. At hindi miminsan na pati sa kanya rin. O baka sadyang maalalahanin lamang ang hipag.  Hindi na binibigyan ng kahulugan ni Luke ang mga gestures ni Lyla. Basta ang sa kanya ay ang kapakanan ng anak. Alam ni Lyla na yun ang kanyang top priority. 

Habang masayang nagbabasa ang mag Tiya sa isang section ng bookstore, si Luke naman ay nag ikot-ikot para maghanap ng ilang office supplies. Pagkatapos bayaran ang pinamili, agad na binalikan nya ang dalawa.

Sa kanyang pagliko nakabanggaan nya ang isang tao na nagmamadali rin sa pag lalakad.

"Hey, watch it!" Sabi nya sabay alalay sa muntik na matumba na kaharap. "Well look who's here?" Ang di makapaniwalang bati ni Luke sa kaharap! 

 (Please play the video on your right!)

******at sino kaya ang nakita ni Luke sa bookstore? Sa palagay nyo?*************

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon