Chapter 14

800 16 7
                                        

Unti-unti na ring natatanggap ni Sam ang pagiging parte ni Cathy sa kanilang buhay mag ama! Mas lalong naging close ang dalawa at si Sam na mismo ang nag kusa na tawaging 'Mommy' si Cathy isang araw na namasyal sila.

"Its less of a mouthful if Mommy na lang ang tawag ko sa yo Tita, ang dami ko ng tinatawag na Tita, so please, payag ka na?"

Lambing ng bata sa kanya habang sila ay namamasyal sa Shang-rila.

Na touch naman si Cathy sa sinabi ni Sam. Agad etong hinila sa pinakamalapit na bench ang bata sabay sabi, " Sam are you sure? It does't matter with me, Tita is ok." 

"But I want to call you Mommy! Please?" Kulit pa nito sa kanya sabay yakap.

Naluluha na niyakap at hinalikan ni Cathy ang bata. "Okay Sam, you can call me M-mommy! Thank you for your trust. Love you!

"Yehey! May Mommy na ako!" sigaw pa nito sabay yakap din sa dalaga!

"I love you too, Mommy! Daddy......" Sigaw pa ni Sam pagkakita sa ama na galing sa men's room.

Agad na sinabi ni Sam sa ama na pumayag na si Cathy na tawagin sya nitong mommy. Agad naman lumapit sa kanya ang mag ama at para silang isang masayang pamilya na nagyakapan sa gitna ng mall.

Masayang masaya si Sam na agad naman tumawag sa kanyang Tita Jade para ibalita ang bagong kabanata sa kanilang buhay.

Habang abala ang anak sa pakikipag usap kay Jade, sila naman ni  Luke ang nag uusap.

"Welcme to the family, Mommy! Thank you!" Bulong nito sa kanya.

"Thank you din Daddy! I love you both! Salamat for coming into my life. Di mo alam kung paano nyo binago ang buong pananaw ko sa buhay!"  Puno naman ng emosyon sa sabi ni Cathy.

"Dad, lets go! I saw this cute outfit inside the store. I'm sure bagay to sa Costume Party natin kina Tita Jade! Mommy, We can go wearing same outfits, right?" ang hyper na sabi nito sa kanila pagkababa ng phone.

"Sure, baby. Halika lets look at those outfits you are talking about." sang ayon nya sa anak na nauna ng tumakbo papasok sa department store.

Kaya sila nasa mall ngayon ay dahil naghahanap sila ng outfit para sa birthday ng bunso nila Jade na si Keisha.

Costume party ang theme ng birthday na gusto ng bata. Si Cathy ang kinuha nilang event planner for the said party.  Gaganapin sa clubhouse ng village ang party ng bata.

Gusto sana ni Andy na lumipad silang mag anak kasama sila Luke sa Disneyland sa HK pero mas gusto ng bata sa Pinas, una dahil gusto nya ng costume party with her classmates sa preschool. Simula kasi ng mag aral na ang bunso ng mga Wu at nagkaroon ng mga friends aside kay Sam at sa kuya nya, mas naging malawak at naging creative na rin ang bagets. At laging lahat ng ayaw ng mommy Jade nya, sa daddy naman nya nakukuha.

Sa katagalan ng pamimili sa maisusuot nilang tatlo, catsuit para sa kanila ni Sam ang pinili ni Cathy. Si Luke naman ay Batman suit ang kanilang binili. 

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon