Chapter 4

1.1K 20 10
                                    

Masayang umuwi sa Pilipinas si Luke. Naging magaan sa byudo ang mag move on sa tulong ng anak  at ng pamilya Wu. 

Naging abala si Luke sa ospital at sa mga mission works kasama si Jade & Andy. Naging misyon na rin ni Jade ang mag volunteer sa mga relief operations lalo pa at laging tinatamaan ng kalamidad ang Pilipinas. 

Isang maulan na umaga, nagising si Jade na may kausap si Andy sa kanyang cell phone. Ilang araw na walang tigil ang ulan maski ayon sa weather center ay walng bagyo. Kagabi pa naka standby ang kanilang relief center sa Katipunan.

Dalawang araw na nag re-repack ang mga goods ang mga volunteers doon. 

"Yes, Luke, tatawagan ko si Mark at ang iba pa naming friends na may mga rubber boats & jetski. Magkita na lang tayo sa Katipunan. I will be there in an hour, the most." Sabay tingin sa kanyang orasan.

"Sweetheart, si Luke ba yun? Are we going to the center na ba? Teka lang at sasabay na ako sa iyo!" Agad na bumangon si Jade at pumasok sa banyo.

Pagbaba ni Jade sa sala, naabutan nya si Julia at ang mga anak na busy sa pag salansan ng mga emergency kits nilang mag asawa. Kararating lang din ni Mark dala ang kanyang jetski at 2 rubberboats.

Agad na nag organize ang mag asawa sa mga dapat gawin at ibinilin ang mga anak sa mga magulang ni Andy na nasa kanila ng umagang iyon.

Pagdating sa center, mabilis na  inorganisa ni Andy & Luke ang lahat ng tao na sasama sa relief & rescue operations. Sina Jade at ang ibang babaeng volunteers ay sa center maiiwan at mamamahala sa repacking at distribution, sina Luke & Andy sa rescue operations sa mga binaha na mga lugar sa Marikina. Ayon sa ulat, may mga hindi mapasok ng rescue dahil sa lakas ng agos ng tubig. Kailangan ang agarang tulong dahil 24hrs na walang makain ang mga tao doon. 

“Sweetheart, mag ingat kayo sa rescue operation nyo, ok.” Bilin ni Jade sa asawa bago umalis ang grupo. Iniayos ni Jade ang jacket na suot ni Andy.

 “Of course, sweetheart! Mag iingat ako. I love you!” Ang sabi ni Andy sa asawa bago lumisan ang kanilang convoy.

Pag alis ng grupo saka naman lumakas ang ulan.

Biglang kinabahan si Jade. Di nya ma explain ang pakiramdam. Nag usal na lamang ng isang taimtim na dalanganin si Jade bago pa hinarap ang samut-saring trabaho sa center. Dagsa ang dating ng mga goods at mga damit galing sa ibat-ibang donors.   Kailangan nilang ma repack ang mga eto para sa agarang distribution.

After 30 minutes may report silang nakuha na umapaw na ang Marikina River at forced evac na ang mga residente sa tabing ilog.

Sa Marikina River, kausap na nila Luke ang Coast Guard na mag gu-guide sa kanila sa operasyon.  Nasa Rubber boat si Luke kasama ang isa pang kasamang doctor at ilang volunteers. Si Mark  at Andy nasa jetski. 

Nag alisan na ang kanya-kanyang grupo. Sina Andy at Mark ang taga scout sa mga areas na may mga taong kailangan  ng tulong, nasa bubong at may mga medical emergencies. Si Luke naman ang taga retrieve at taga lapat ng emergency medical assistance. Halos maghapon kasabay ng buhos ng ulan at agos ng tubig, walang pahinga ang mga volunteers sa pag sagip sa mga na trapped na mga kababayan sina Luke. 

Bandang 7pm ng mag signal ang kasama nilang coastguard. Dumating na ang ka relyebo nila for the night. Ayaw man tumigil ni Luke alam nya na kailangan ng kanyang katawan ang pahinga. 

Pagkatapus ng turnover sa kakilalang Doctor at medics, lumipat ng rubber boat si Luke para bumalik sa command center. 

Bandang 9 na ng sila ay nakabalik sa command center. Nagtaka pa sya ng makitang nasa pampang si Jade.

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon