Chapter 13

816 17 5
                                    

("When I first met you, I honestly didn't know you were gonna be this important to me."

Luke )

"OMG! What are you doing here?" Ang nagulat na tanong ni Cathy sa kanyang bisita.

"Surpise to see me, huh! Hello Honey!" Ang sabi ng kanyang bisita sabay halik sa kanyang pisngi. Nagulat man, nagawa pa rin umiwas ni Cathy sa tangka nitong paghalik sa kanyang labi.

"Excuse me, Jess! Baka nakalimutan mo, we parted ways, way, way back. And I did'nt invite you in here." Ang naiinis na sabi nya sa lalaki na tuloy tuloy sa kanyang sala at parang may ari ng bahay na naupo sa kanyang sofa.

"Still bitter about it? Come, sabi mo nga matagal na yun, didn't you miss me?I'm back for good." Ang medyo pa angas na paliwanag pa nito habang ginagala ang buong paligid.                      

"Nice place you have in here, I heard binaha ka nga daw sa dati mong place."

"Hello? I'm not bitter, relieved siguro. di mo pa ako sinasagot, who told you my address?" Pilit pa rin syang nagtimpi. Kung sino man ang nagbigay ng kanyang bagong address mananagot talaga sa kanya. 

Jess was her ex boyfriend of 2 years. On-off ang relationship nila at kaya lang siguro nagtagal ay dahil sa lagi syang out of town or country ng mga panahon na yun.  He caught him cheating on her. Si Jess ang tipo ng lalaki na mahirap makaintindi ng salitang "enough". Tulad na lang ng last silang nag usap sa phone, deretso na nyang sinabi dito na wala ng second chance ang kanilang naging relasyon, besides kasasagot lamang nya kay Luke ng mga panahon na yun. Ang buong akala ni Jess, gusto lang nyang pasakitan eto ng sinabi nyang may bago na syang boyfriend.

"Honey, you know me, I can get all info na gusto ko anytime I want. Di na mahalaga kung saan ko nakuha ang address mo, ang importante, I'm here right now. I miss you, you know!" Pa cute pa nya kay Cathy, sabay attempt na hawakan eto sa kamay na agad naman iniwasan ni Cathy.

"Please leave Jess. Dadating na si Luke anytime, at ayoko na abutan ka nya dito." Pakiusap nya sa mayabang na kaharap.

"Honey, I know you are just saying that para gumanti, I was sorry, okay, alam mo naman ikaw lang ang babae sa buhay ko." Ngisi pa ni Jess sa kanya.

"Well, Jess if you asked your sources, sana na confirm nila na hindi kathang isip lang si Luke. I'm very much happy right now, and I don't need any complication, especially from you! So please leave." Medyo inis na sabi na nya ng parang di pa rin natitinag ang lalaki.

Nawala naman ang ngisi sa mga labi ni Jess ng ipinagpilitan ni Cathy ang pangalan ni Luke at tahasan syang pinapaalis nito.

"Okay,relax!" sabay taas ng dalawaang kamay nito, "wala man lang bang kape, for old times sake?"

Napabuntong hininga ng malalim ang babae sabay padabog na pumunta sa kitchen.

"Pagkatapos mo magkape umalis ka na, pwede?" Ang bilin pa nya dito habang ipinagtitimpla eto ng kape sa tasa.

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon