“Catherine!” Bati ng isang tinig mula sa kanilang likod.
“Hello, girl! Kamusta ka na? So, tama nga ako, ikaw ang nakita ko na sumakay ng taxi sa lobby minsan. “ Ang sabi pa ng isang seksing babae habang palapit sa kanila. May pagkamalisyosang tiningnan nito ang magkapulupot na kamay ng magkasintahan.
"Hi! Marian! What are you doing here? Do you live here also?” Medyo naiilang na bati ni Cathy sa babae.
Dati nyang classmate si Marian. Magka-klase sila ng college. May pagka inggitera at likas na makompetensya ang kaklase. Lagi silang di magkasundo sa lahat ng mga school activities at projects na kanilang pinagsasamahan.
“Yes, I do, dito din sa 10th ang unit ko. Imagine, we are neighbors! And who is this gorgeous guy you’re with?” At malandi nitong sinulyapan si Luke.
“Marian this is Luke de Leon, boyfriend ko. Babe this is Marian Go, classmates kami sa Benilde.”Pakilala nito sa dalawa.
“Glad to finally meet your boyfriend! So hindi pala kayo nagkatuluyan ni Jess? Opps, sorry!” At sabay tutup kunyari sa kanyang bibig sabay tingin kay Luke.
“Hi, Marian! Babe why don’t you invite your friend inside. I will prepare some coffee for you.” Yaya ni Luke maski napansin nya na naiilang si Cathy sa kausap.
“Thanks, Luke, but I’m in a hurry. Anyway, I’m just living across the room. I can knock anytime, right girl?”
“Oo naman. Just knock anytime you are free. I just hope I’m home also.” Matabang na sagot ni Cathy. Naasar na sya sa mga malalagkit na tingin ng dating ka klase kay Luke.
“Ok, gotta go! Sayang, I would love to have a taste of your coffee, Luke, I’m sure masarap ang timpla mo!” At kinindatan pa si Luke saka tumalikod papunta ng elevator.
“Bye!” Halos sabay na sabi ng magkasintahan.
Pagkasara ng pinto ng kanyang condo, isang mahinang hampas sa braso ang binigay ni Cathy sa nobyo.
“Aray! Ano?”Ang nagtatakang tanong ni Luke sabay himas sa kanyang braso.
“Pa cute ka rin kay Marian. Hoy Doc! Wag kong makikitang nakikipagchikahan ka dun ha! Lagot ka sa akin!” Ang naiinis na banta nya sa nobyo na naguguluhan sa inasal ni Cathy.
“Babe, teka lang, bakit ka ba galit?” Ang lapit nito sabay yapos sa bewang ni Cathy.
“Basta ayoko lumapit ka dun. Kamalas ko naman, at kapitbahay ko pa sya ha!” Ang patuloy na litanya ni Cathy.
“O sya iiwaasan ko na sya! Pero ikaw may utang ka pa sa akin, akala mo nakalimutan ko na, kanina ka pa, ha! Halika nga dito!” At agad na tinumba si Cathy sa sofa.
“Oy, Doc! Ano ka ba!”Tili ni Cathy ng bigla syang daganan ng lalaki.
“Anong ‘ano ka ba ka’ dyan? Sa kotse ang tapang tapang mong asarin ako, ngayon ipakita mo ang tapang mo. Lagot ka ngayon wala akong manibelang hawak!”
At agad sya siniil ng halik ni Luke. Halik na ng umpisa ay may halong asaran pa, at ng tumagal, naging mapusok. Naging malikot na rin ang mga kamay ng lalaki at agad nakapasok sa loob ng blouse ng dalaga. Napaiktad si Cathy ng maramdaman nito ang mainit na mga haplos ng nobyo sa kanyang dibdib. Habol ng mga hiningang nagpa gulong-gulong ag dalawa sa malapad na sofa ng dalaga. Naghahanap ng pwesto na swak silang dalawa. Isa-isa na ring tinanggal ni Luke ang kanilang mga suot.
“Babe, ang aga-aga pa kaya!”Parang nakikiusap na saway ni Cathy sa lalaki.
“So? Makakarami tayo! Ah..babe, you are beautiful!” Puri nito ng maalis ang huling saplot ng dalaga.
BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA love so beautiful ay kwento ni Luke De Leon. Isang karakter sa sinulat ni Ate Gidget Corpuz, ang Ako'y Para Sayo Lamang. Unang basa ko pa lamang sa APSL na lumabas ang kanyang karakter ako ay na paisip na sa kung anong klaseng tao sya kung sya ay...