Cathy was preparing for her date for the evening when she got a call from Jade. Simula ng magkakilala sila sa evacuation center, naging madalas na silang magkausap sa telepono o cellphone.
Habang naglalagay ng manipis na make up sa mukha ay naka loud speaker ang kanyang mobile, para mas magawa nyang sabay ang pag aayos at pakikipag usap kay Jade.
"Hello! Jade! Napatawag ka?" tanong nya sa kausap habang tinitingnan sa salamin kung pantay na ang kanyang blush on.
"Busy? I just wanna invite you for brunch tomorrow, its just us and the kids, actually its the kids swimming lessons. Andy gives them lessons kapag may time, kasama sina Luke & Sam." Ang deretsong imbita nito sa kanya.
"Bukas? Well, hindi ba nakakahiya kay Andy?" Ang medyo alangan na sabi ni Cathy.
"Ano ka ba? I'm in the grocery right now and Im buying ingredients for tomorrow, Andy said its ok for me to invite friends, para mas masaya. Please say you can come, please?" Ang lambing pa ng kausap sa kabilang linya.
""Ok sige, say around 8 or 9 tomorrow?" Pag sang ayon nya dito.
"Yes, walang bawian yan ha! and come as early as you like, we usually start as early as 7 am, the swimming I mean." Excited na sabi pa ni Jade.
"Ha!ha!ha! Ikaw talaga! Okay, see you tomorrow, thanks for inviting me!" pasasalamat na.
"See you bukas, and dont forget to bring your swimming attire, after ng kids, tayo naman ang mag swimming."Bilin pa ni Jade bago nagpaalam sa kanya.
After nya mag lagay ng make up ay saka naman sya naghanap ng maisuot. Isang simpling black dress ang kanyang napili. Ayaw naman nyang maging masyadong sexy sa unang date nila ni Luke. Baka isipin pa nito masyado syang liberated sa mga damit nya!
(Check ou the dress on your right.)
After masiguro na ayos na ang kanyang suot, saka sya lumabas ng kwarto para antayin si Luke. After 10 minutes may nag doorbell sa kanyang pinto.
Medyo kinakabahan na tinungo ng dalaga ang pinto. Sinilip muna na sa peephole kung sino ang nasa labas. Nang makita na si Luke nga ang dumating, agad na pinagbuksan nya eto.
"Hello! Luke! Tuloy ka!" Ang nakangiting bati na dito.
"Hi! Good evening! Salamat, flowers for you!"
Abot rooftop naman ang saya sa tinig ng lalaki habang inaabot ang dalang mga bulaklak.
"Wow, roses! Thank you. Upo ka muna, Ilalagay ko muna eto sa vase bago tayo umalis."
Pumunta na ng kitchen si Cathy habang si Luke ay naiwan sa living room.
Pinag masdan ni Luke ang paligid. Sa isang sulok ng Living room ay may isang bookshelf. Madaming mga books ang nandun. May ibat-ibang magazines at may isang manniquin na may suot ng isang Filipiniana dress. Cute ang style nito.
"Mag juice ka muna. Naku, pasensya ka na, medyo di pa ako nakapag ayos 100% dito sa condo. Si Mimi yan ang aking BFF, hehehe,ung manniquin, I mean!"
Esplika ni Cathy nang makita sya na nakatingin sa damit na suot ng manniquin.
"Hello, Mimi, nice meeting you, hihiramin ko muna ang BFF mo, ha!" Sakay naman ni Luke sa sinabi ni Cathy.
"Hahaha! Ikaw talaga! So shall we?" Aya nya dito after inumin ang binigay nya na apple juice.
"Okey, lets go! Bye Mimi! See you around!" At saka kinindatan si Cathy.
Dinala ni Luke ang dalaga sa Bonifacio High Street. May isang resto syang laging gustong kainan dun.

BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA love so beautiful ay kwento ni Luke De Leon. Isang karakter sa sinulat ni Ate Gidget Corpuz, ang Ako'y Para Sayo Lamang. Unang basa ko pa lamang sa APSL na lumabas ang kanyang karakter ako ay na paisip na sa kung anong klaseng tao sya kung sya ay...