"Hey, Luke! Fancy meeting you here! Kamusta!" Ang masayang bati ni Cathy sa kanya.
(Please play the song on your right!)
Those damn dimples again! Luke, get a grip on your self! Saway nya sa sarili.
"Hello, eto, sinasamahan ang anak ko. We just had dinner, ikaw, how are you?." Magiliw nyang sabi sa kaharap.
"Talaga! Playing the doting dad ka pala ngayon!" Tudyo nito sa kanya.
"You can say that I'm trying to be one. Why don't you come with me, I can introduce you to her. I'm sure you will like each other, that is kung hindi ka nagmamadali!?" Tanong pa nya dito.
"Sure, why not? And besides di naman ako nagmamadali. I was just in a hurry to turn the corner kanina." Ang pagsang ayun nito sabay patiuna pabalik sa reading section kung saan naroon ang anak.
Inabutan ni Luke na naka higa sa hita ng tiyahin ang bata. Kapwa nagbabasa ng libro ang mga eto.
"Sam, I would like you to meet a friend. Come here, baby."Himok nya sa anak.
Agad namang bumangon ang anak mula sa pagkakahiga sa hita ni Lyla at lumapit sa kanya.
"Cathy, this is my daughter, Samantha Lucille!, Sam meet your Tita Cathy." Pakilala nya sa dalawa.
"Hello po, Tita! Daddy told me about how he helped rescued you with Tito Andy & Tito Mark!" Kaway ni Sam sabay halik sa pisngi ni Cathy.
"Oh really! He told you all about that? Your dad is a hero, alam mo ba? He saved many lives!" Puri naman ng dalaga sa doktor.
Si Lyla naman ay bahagyang napa ismid sa eksena na nakita. This is the first time na may pinakilala si Luke sa kanyang pamangkin at maganda pa. Sa kanyang tingin ay giliw na giliw si Luke sa babae..
"And Cathy this is Lyla, kapatid ng yumao kong asawa.Lyla this is Cathy." Pakilala naman ni Luke sa dalawang babae.
Magiliw naman na kipagkamay si Cathy kay Lyla. Si Sam ay agad na nagyaya sa tita nya na magbalik sa kanilang pwesto para tapusin ang kanilang pagbabasa.
Wala namang nagawa si Lyla kundi iwan ang dalawa para samahan ang pamangkin.
Hindi mawari ni Lyla ang pakiramdam. Bigla syang naging interesado sa babaeng minsan na naibida ni Luke sa kanila ni Sam. Nuong una ay di nya binigyan ng pansin ang kwento ng lalaki sa pag aakalang isa lamang eto sa mga pasyente nya sa evacuation center..
"So it seems I dont need to call you up for that confirmation regarding our date this weekend, since nanito ka na rin lang ngayon." Pag papaalala ni Luke sa usapan nila ng nakaraang araw sa telepono.
"Saturday is fine with me, Luke. Dinner?" Ang may ngiting pag tanggap nito sa kanyang imbitasyon.
"Thank you. You can give me your address, so that I can pick you up say around 7pm?" Magiliw at excited na turan naman ni Luke.
After nila mag exchange ng information, nagpaalam na si Cathy. Kumaway naman ang mag tiya dito bago sya umalis.
Si Sam naman ay nagyaya ng umuwi pagkatapus hakutin ang lahat ng nagustuhang libro sa rack!
Magaan ang loob at masaya ng aura ng Doctor nang umuwi ng gabing iyon. Di mapigil ni Luke ang ngiti na kanyang nararamdaman, feeling nya umaapaw eto papunta sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA love so beautiful ay kwento ni Luke De Leon. Isang karakter sa sinulat ni Ate Gidget Corpuz, ang Ako'y Para Sayo Lamang. Unang basa ko pa lamang sa APSL na lumabas ang kanyang karakter ako ay na paisip na sa kung anong klaseng tao sya kung sya ay...