'This is Dr. Navarro. We saw your contact info sa mga gamit ng pasyente. Ms.San Juan was admitted here at St. Joseph." Ang magalang na sabi ng kausap ni Luke sa telepono.
Pilit kinalma ng lalaki ang sarili. Nag park muna sya sa isang safe na lugar habang kinakausap ang atttending Physician ni Cathy.
"Thank you so much Doc. I will be on my way ASAP." After nya masiguro na hindi nangaganib ang buhay ng nobya saka pa lang nakahinga ng maluwag si Luke. Maingat nyang minani ubra ang kotse papaalis sa lugar kung saan sya pansamantalang nag park at agad na dumeretso ng nasabing ospital.
Pagdating ng hospital nailipat na ng private room ang dalaga. Nagkamalay na rin eto at hinahanap na sya. Naabutan nyang inaayos ng nurse ang hospital gown ng nobya. May benda eto sa ulo at braso. Ayun sa kanyang doktor maswerte at nakapag preno kaagad ang kotse na muntik ng makabunggo sa dalaga. Bugbog lamang ang natamo ng dalaga mula sa impact ng pagkahampas nito sa hood ng kotse. Ang mga galos naman sa braso ay dulot ng pagka tumba ng itulak sya ng snatcher.
"Babe...how are you feeling?" Usisa nya sa dalaga habang masuyong hinahaplos ang pisngi ng katipan.
"Hey! Doc, whossy, I guess! Gosh! Akala ko katapusan ko na!" Medyo na sho-shock pa ring kwento ni Cathy habang yakap-yakap ng katipan.
"Don't ever say that Cath, di ko kakayanin. Even if I'm a doctor, kapag isa sa inyo ni Sam ang nalalagay sa delikadong sitwasyon, nawawala ang pagiging doktor ko!" Ang puno ng emosyon na sabi ni Luke sa nobya.
Pinagmamasdan ng lalaki ang maamong mukha nito na naka benda sa bandang kaliwa ng kanyang nuo. Mabuti at mild lamang ang pagkabagok ng ulo nito ng tumama sa hood ng kotse. Pero maski paano, naalog pa rin ng husto ang pakiramdam ni Cathy. Masakit ang buo nyang katawan simula pagka gising. Binigyan na sya ng pain reliever ng kanyang attending doctor.
"Babe, don't worry too much! Sabi ng doctor I'm going to be fine." Pag a-assure nya sa nobyo na hindi pa rin naaalis ang pag alala sa mukha.
"You can't stop me from worrying Babe! Are you still in pain?" Ang masuyong tanong pa nito ng makitang napangiwi ang nobya sa pag galaw nito.
"Medyo masakit lang ang mga bugbog ko but I can manage. Andyan ka naman to take care of me, eh!" Biro pa ng dalaga. "Thank you for being here with me. I love you."
"I love you too, Babe! Magpahinga ka na. I'll be right here." At bago pa nakatulog ng tuluyan ang dalaga isang masuyong halik ang iginawad ni Luke sa kanyang mga pisngi.
Saglit na iniwan ni Luke sa loob ng kwarto si Cathy na mahimbing ng nakatulog. Tinawagan nya si Jade para ipaalam ang latest sa dalaga.
"Luke,kamusta si Cathy? Is everything alright?" Ang sunod-sunod na tanong ni Jade sa kanya.
"Okay na sya, Jade. Minor bruises and mild cuncussion. She just slept." Medyo emosyonal na sabi ni Luke kay Jade.
"Oh my God! Salamat naman! I was just waiting for Andy, dadaanan nya ako dito sa bahay then pupunta na kami dyan. Are you okay?" Ang tanong pa nito sa kanya.

BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA love so beautiful ay kwento ni Luke De Leon. Isang karakter sa sinulat ni Ate Gidget Corpuz, ang Ako'y Para Sayo Lamang. Unang basa ko pa lamang sa APSL na lumabas ang kanyang karakter ako ay na paisip na sa kung anong klaseng tao sya kung sya ay...