Chapter 1

2.1K 27 11
  • Dedicated kay Lowela Recto
                                    

Two years after.

Bumaba sa kotse si Luke kasama ang anak na si Sam. Nandito sila ngayon sa cemetery para dalawin ang namayapang asawang si Lucille. Excited na kinuha ni Sam ang picnic mat sa ama at tumakbo papunta sa puntod ng Ina.

 (Please play the video on your right!)

"Careful Sam." Paalala nya sa papalayong anak.

Si Luke naman ay naiwan sa kotse. Kinuha ang picnic basket at flowers na kanilang dala para sa namayapang asawa.

Naabutan nya ang 5 taong gulang na anak na nag aayos ng picnic mat sa tabi ng puntod ng asawa.

"Hello Mommy, Dad & I are here again, coz we miss you super! Alam mo Mom, Tita Lyla dropped by the house yesterday." Kwento ng bata habang inaayos ang iba pa nilang dala-dala sa basket.

Napangiti si Luke sa mga tinuran ni Sam. It was such a blessing ng dumating sa buhay nila ang Tita Lyla ni Sam.

Si Lucille pala ang nawawalang kapatid ni Lyla. At bagaman wala na si Lucille ng sila ay nagkakilala, hindi naging hadlang yun para maging malapit si Sam sa kanyang Tita Lyla.

Sino ang mag aakalang may kakambal si Lucille sa katauhan ni Lyla? Parang pinagbiyak na bunga ang dalawa liban na lamang sa nunal nito sa baba. Sila na ni Sam ang umalam sa kung paano napa-ampon si Lucille ng baby pa lamang eto at sa kwento ng totoong pamilya nito. Naging malapit sa kanilang mag ama si Lyla. Mabait din eto pero may pagka kimi, di tulad ni Lucille na palabiro at malakas makaasar.

Naging malapit din sa mga kaibigang sina Andy & Jade si Lyla bagamat hindi kasing close sila Jade at Lyla.

Minsan sa pag uusap nila Andy & Luke na buksan sa usapan ang pagkakahawig ng magkapatid.

“Pare, look at Lyla, she looks exactly like Lucille. How do you feel everytime kasama nyo sya ni Sam?” may concern sa boses ng kaibigan habang matama syang pinagmamasdan nito.

“Andy, when I looked at Lyla, well, she is just Lyla, ang kakambal ni Lucille. Yun lang.” Tipid na sagot ni Luke, sabay tingin sa kawalan. Ramdam ni Andy na nasasaktan pa rin si Luke kapag ang asawa ang napag uusapan.

Hanggang ngayon si Lucille pa rin ang nasa puso at isipan ni Luke. Wala na ang galit at mga tanong sa puso nya. Unti-unti na nyang natatanggap ang pagkawala ni Lucille.

Malaking tulong ang mga kaibigang sina Andy & Jade para makarecover si Luke sa pagkawala ng asawa. At ang munting angel na iniwan sa katauhan ni Sam. Habang lumalaki ang bata mas nakikita dito ang malaking pagkakahawig di lang sa mukha kundi pati sa ugali ng ina.

Oo magkamukha nga sina Lucille & Lyla pero wala syang makapang espesyal sa hipag. Nagpapasalamat sya sa hipag na nabigyan ng kasiyahan ang anak sa pagdating nito sa buhay nila. Sadya ngang hindi natuturuan ang puso. Siguro si Lucille na lamang ang huling babaeng iibigin nya.

Narito silang mag ama para dalawin ang asawa at magpapa-alam na rin. May conference na

pupuntahan sa America si Luke. Ilang beses na rin nya tinanggihan ang pag punta sa ibang

bansa, pero sabi nga ng mga colleagues at ni Andy it’s high time na asikasuhin naman nya ang career at si Sam. Simula ng pumanaw si Lucille ospital at si Sam nalang naging buhay nya. Na kaya lamang sya nag ta trabaho ay dahil para maibsan ang kanyang kalungkutan at bahagyang makapagbigay saya sa kanya sa tuwing may buhay rin syang naisasalba. Nakalimutan na sumandali ang tunay na motibo kaya sya nag doctor sa una pa man. Ang makatulong sa kapwa, lalo na sa mga batang may sakit. At sa paglipas ng panahon, unti-unti na ngang bumabangon si Luke. Mag-isa nyang kakayanin ang lahat. Lumalaki na si Sam at sa bawat araw na nakikita nya ang anak, mas lalong naging prominente ang mga mannerisms na nakuha nito mula kay Lucille. Parang matanda na nasa katawang bata. Matured na mag isip si Sam, minsan ay nagugulat pa sya sa mga lumalabas sa bibig ng anak. Kapag magkasama sila ni Kian mas baby pa kumilos at maglambing ang inaanak keysa kay Sam.

“Dad, I am telling mommy why you have to leave & I have to be with Kian for a while. I promised her I’ll be a good girl while you are away.” Pukaw ng anak sa kanyang pag iisip. Nakangiting lumapit sya sa kinaroroonan ng anak at naupo sa tabi nito,

“”Yes honey, I’m leaving for the states for two weeks. Jade wanted Sam to stay with them while I’m away. Kampante ako kung sa kanila ko iiwan si Sam. And I know you agree, di ba?” Umpisa nya habang inaayos ang flowers na dala nila.

“I’ll be good & I will play with Kian & Keisha, promise." Nag cross my heart pa ang anak sabay hawak sa headstone ng ina. 

Ganun silang mag-ama sa tuwing dadalaw kay Lucille. Nag ku-kwento, nag susumbong at madalas naghahanap ng kakampi kapag feeling ni Luke di na nya kaya ang pangungulilala. Malaking tulong ang kanyang ginagawang pagkakausap sa puntod ng asawa. Maski paano naiibsan ang sakit sa puso nya sa tuwing naiisip na may parte ni Lucille na naiwan sa kanila, rason para may saya sa pamilya ng kaibigang si Andy at sa pamilya nito. Sapat na sa kanya yun.

After two weeks, nasa bahay na ng mga Wu ang mag ama. hinatid ni Luke ang anak. Two weeks syang mawawala for a conference sa America. Pinagmasdan nya ang anak habang akay2 si Keisha, ang two year old daughter nila Andy & Jade. Although si Kian ang kaedad ni Sam, si Keisha ang lagi nitong kalaro, siguro dahil pareho silang babae. Maski bata pa si Keisha, si Sam na ang laging kasa-kasama at laging buntot ng anak. Natutuwa naman silang tatlo nila Andy at Jade dahil lumalaki na close sa isat-isa ang tatlong bata.

"Keisha, when Daddy leaves, we will go to our room and we will play okay? We will let Kian build us a house, so that we can play. Wait lang ha." Bilin nya sa bunso.  Tumanga naman si Keisha habang hawak ang identical Barbie nilang magkaibigan.

"Daddy! I will miss you! You take care while you are in the States okay? I will miss you, super!" Bilin ni Sam sa ama sabay halik sa pisngi nito.

Binuhat ni Luke ang anak at hinalikan din eto. " I will miss my baby too! You take care & be good while I'm gone, ok? Promise we will talk via Skype every chance Daddy gets ok?"

Pilit kumawala ng anak sa pagkabuhat ni Luke. Inilapag naman nya agad eto. "Eww Daddy, Im a big girl na di ba? Ayoko na magpabuhat pa!"

Humalik ulit eto sa ama at lumapit kina Jade at Keisha na nasa tabi at nakamasid.

"Don't worry Luke, she will be fine with us. Have a safe trip." Sabi naman ni Jade Kay Luke.

Muling tiningnan ni Luke ang anak at saka sumakay na ng kotse. Hinabong ng kaway ng tatlong bata ang papalayong kotse.

May halong lungkot at pait sa kanyang dibdib. Hindi lamang conference ang kanyang nais puntahan sa Amerika.

Its about time na ayusin na rin nya ang kanyang matagal na tinakasang buhay. Mas magaan sa dibdib kapag wala ng inaalala na sakit at panghihinayang sa nakaraan. Mas madali ang pag move on. He is hoping na sa kanyang pag balik ng America, it will bring him enlightenment & forgiveness.

"Kamusta na kaya siya?"

*****This is just a short chapter Guys! It still pains me to write Luke's story. Masyado lang affected sa character nya sa APSL ang lola nyo!  I have this draft a long time ago and naka ilang revise na ako. June was super busy for me and the last couple of weeks was the most trying of them all. May pinagdaanan na mahirap mag isip ng tama kaya sorry for the long wait. Please leave your insights & suggestions as we go along sa story ni Luke!. Thank you!!!******

A Love So BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon