*******This Chapter is dedicated to my friends, the Mackulets USA! 23 years of friendship and still counting! I love you guys, Super! Happy Anniversary, MAD Mackulette, CJ Mackulette, Darling Doris Mackulette & Me, VA Mackulette! Distance and time is of no hindrance to being friends!*******
Isang masayang Luke ang gumising kinabukasan. Nagtaka pa ang anak na pag labas nya ng kwarto para gisingin ang daddy nya, nasa dining na eto at naghahanda na ng kanilang dadalhin papunta kina Jade.
"Yaya, wag mo kalimutan ang fruits. Ilagay mo na sa cooler lahat ng baon natin." Utos nito sa yaya ni Sam na may tangan na na basket ng prutas.
"Sir eto na po! Ilalabas ko na po sa kotse. May iba pa po ba tayong dadalhin?" Aligaga na sunod ng kasambahay.
"Good morning, Dad! Himala, maaga ka sa akin ngayon." Ang nagtatakang tanong ng anak habang umakyat sa kanyang upuan at inabot ang baso ng gatas na inabot ng isa pa nilng kasambahay.
"Morning Baby, eat your food na, then we can go! Ready na kami ni yaya. Are your things prepared?"Tanong ni Luke sa anak habang nilalagyan ng food ang plato ng anak.
Nagtataka man sa kinikilos ng ama, nagkibit-balikat na lamang ang bata at nag umpisang kumain.
"Yes Dad! Kagabi pa. I'll be wearing my new suit, same kami ni Keisha and Tita Jade. Remember yong bigay ni Tito Andy, gift nya when he came from Australia last month? I'm so excited!" ang sabi nito habang ipina alala sa ama ang pasalubong ni Andy sa kanya.
"That 2 piece suit? Sam, you are only 8! Don't you think its too sexy for you?"Kunyaring na eskandalong sabi ng ama sa bida ng anak.
Napatigil sa pagsubo si Sam at biglang napabaling sa ama. " Dad! As you've said, I'm only 8! I can wear anything w/out malice. I don't even have boobs, yet!"
Napangiti na lang si Luke. Lumapit sa anak at niyakap eto. "Sam, you grow up so fast before my very eyes...how I wish your mom saw you as you grow each and every day! Just don't grow too fast for me okay?"
"Awws Daddy, don't be sad. I know mom is happy watching over us in heaven.Don't you worry, I'll grow slowly you won't even notice any changes in me til I reach 40!" Sagot pa nito sa kanya at bumalik sa kanyang kinakain.
Ginulo ni Luke ang buhok ni Sam sabay tawa. "Hurry up, nakakahiya kina Tita Jade if we arrived late."
"Almost done dad! How about you? Had yours already? Baka coffee lang ang ininom mo?"Tanong ng anak.
"Had my big breaky, no worries! If you are done, brush your teeth and I will wait for you outside." At lumabas na si Luke dala ang isang piling ng saging. Paborito ng mga bata ang saging kaya may dala sila lagi.
Habang nasa daan, panay ang tingin ni Luke sa kanyang orasan. Hindi naman nakawala sa obserbasyon ng anak ang kakaibang kinikilos ng ama.
"Dad, is there an emergency at the hospitl o something?" anong nito sa kanya. Natigilan si Luke at napatingin sa anak. Masyadong observant ang bata at napansin siguro ang kanyang pagka balisa.
"No, Sam! I was just checking my watch." Explain nya at muling hinarap ang pagmamaneho.
"Kasi kanina ka pa parang di mapakali. Right Yaya?"Lingon nito sa yaya na nasa backseat.
"Oo nga po Sir, ang aga pa naman pero para tayong may hinahabol, hehehe." Dagdag pa nii Yaya Tabs.
"I was just driving my usual pace Sam! And besides You are the one who's going to be late for your lessons if I dont get you there on time, di ba?" Palusot pa ni Luke.
"There is something in you Dad, I just cant pinpoint it. Maybe I'll ask Tita Jade, maybe she knows." Ang balewala ng anak sa kanya.
Kinabahan namam si Luke sa huling sinabi ng anak. Kapag may mga bagay na di kaya ipaliwanag ng batang isip nito, aasahan mo na kay Jade ang takbo ng anak. At kapag si Jade na ang nagtanong sa kanya, ha! Patay ka Luke!

BINABASA MO ANG
A Love So Beautiful
RomanceA love so beautiful ay kwento ni Luke De Leon. Isang karakter sa sinulat ni Ate Gidget Corpuz, ang Ako'y Para Sayo Lamang. Unang basa ko pa lamang sa APSL na lumabas ang kanyang karakter ako ay na paisip na sa kung anong klaseng tao sya kung sya ay...