CHAPTER TWO

11.7K 207 22
                                    


TRIAL MUNA

NARAMDAMAN ni Geneva ang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon ang halatang bagong ligo na si Robin, bitbit ang kanyang overnight bag. Nakangiti ang binata sa kanya, iyong klase ng ngiti na nakakaloko. O mas tamang sabihing ngiting nakaisa. Pinanatili ni Geneva  na seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakaupo  sa isang native na upuan.

"Nagpahatid ako rito ng almusal natin. Brunch na pala dahil alanganin na ang oras, eleven-ten na." Bagong ahit si Robin at mamasa-masa pa ang buhok. Nakasuot  ng  asul na cotton shorts at puting T-shirt.

"Hindi ako nagugutom,"  agad na sabi niya.

"Come on, Gen. Kailangan mong kumain para manumbalik ang lakas mo."

Naningkit ang kanyang mga mata. "Nang-aasar ka ba?"

"Hindi kita inaasar, sinasabi ko lang ang totoo. Bakit ba ang sungit mo?"

"Bastos ka kasi."

"Ako?"

"Oo. May iba pa ba? Ikaw lang ang natatangi."

"O, siya sige na, bastos na kung bastos."

Naputol lang ang pag-aangilan nila nang may kumatok sa pinto. Si Robin ang lumapit upang buksan ang pinto. Ang katiwala ng binata ang kumakatok, may dalang tray ng pagkain.

Nalanghap ni Geneva  ang amoy ng masarap na piniritong daing na bangos. 

 "Salamat po, Tata Caloy." Inilapag ni Robin ang tray sa mesa. "Halika na.Kumain na muna tayo."

Hindi siya tuminag. Kahit natatakam sa naaamoy na pagkain ay hindi pa rin siya kakain. "Mag-usap na tayo ngayon. Gusto ko nang umuwi."

"Ihahatid kita."

"Hindi. Sasabay ako kina--"

"Nauna nang umalis sina Marcia. Nag-iwan sila ng note kay Tata Caloy."

Nag-init ang buong mukha ni Geneva. Talaga nga naman ang pagkakataon. "Magko-commute na lang ako."

Exasperated na napabuga ng hininga si Robin. Naupo ito sa katapat na upuan. "Bueno, mag-usap na nga tayo."

Napatitig siya kay Robin.

"Iyong nangyari kagabi, pareho nating ginusto iyon."

Magbubuka sana si Geneva  ng bibig upang kontrahin ang sinabi ni Robin ngunit hindi siya makahagilap ng tamang salitang sasabihin.

"Hindi ko alam na.... you were still a virgin until last night... " Huminga muna ito bago nagpatuloy. "Magsasabi na ako sa parents mo. I mean, hihingin ko na ang basbas nila para pakasalan ka."

Umaawang ang bibig ni Geneva. Hindi niya malaman kung dapat nga bang matuwa sa narinig.  Pero bakit parang hindi siya makumbinsi na pananagutan ni Robin ang nangyari sa kanila?

Ano ba ang nangyayari sa iyo, Geneva?

"O, ano pakakasal na tayo, ha?" pag-ulit nito  sa tonong tila naghahain lang ng isang ordinaryong proposal.

"Okay ka lang? Anong pakasal?"

Kumunot ang noo ni Robin.  "O,  bakit? May malabo ba sa sinabi ko?"

Umiling-iling siya. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng kasal, ha?"

Naging seryoo ang anyo nito. "I'm not playing around  here, Gen. I'm serious. Let's get married."

Sumariwa sa isip ni Geneva  ang mga babaeng nagkaroon ng kaugnayan noon kay Robin at isa na roon si Mercedes. Si Mercedes na noong una ay inakala ng lahat sa campus nila na girlfriend ni Miguel. Si Miguel na matalik na kaibigan ni Robin.

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon