CHAPTER NINE

9.4K 192 36
                                    


THE BREAK-UP

NAGPAHANDA si Mommy Lita  -- ang  mommy ni Robin --   ng masasarap na putaheng pagsasaluhan nila dahil alam ng mga ito ang pagdating nila.  Ayon sa mabait na ginang ay pulos mga paborito ni Robin ang mga ihahaing putahe sa hapunan. Pagpasok nila sa maluwang na sala ay nalanghap na agad ni Geneva ang masarap na amoy ng mga nilulutong pagkain.

Noong una ay nag-alala ito dahil napansin agad ang nakabendang kamay ni Robin. Subalit nakalma si Mommy Lita  nang matiyak nilang okay ang resulta ng X-ray.

"Mabuti pang magpahinga na muna kayo sa itaas, mga anak," wika ni Mommy Lita.

Nakaupo na si Robin sa sofa habang himas-himas sa ulo ang aso na hindi na umalis sa tabi nito.

"Darating ang mga pinsan mong sina Yayo," patuloy na sabi ng ginang. "Ang daddy n'yo, hindi iyon magtatagal sa restaurant at babalik din kaagad. Okay ka lang ba, hija?"

"Ah, opo," sagot ni Geneva.

Dinulutan sila ng kasambahay ng merienda. Malamig na buco juice at masarap na maruya ang kanilang merienda. Halatang paborito iyon ni Robin dahil nakadalawang pirasong malalaki ang lalaki.  Pagkakain ay pinapanhik na muna sila sa itaas, sa kuwarto ni Robin. Tahimik lang ito.

Halos walang gaanong ipinagbago ang silid ni Robin maliban sa mga makabagong gamit gaya ng flat screen TV at  speakers. Natatandaan pa ni Geneva  ang silid na napasok niya noong dumalo siya ng birthday nito. Paano ay nakigamit siya ng banyo.

And it was her most embarassing moment. Paano ay sumama ang tiyan niya. Hindi niya alam kung dahil sa kinain niyang spaghetti o sadyang natiyempo lang na magloko ang kanyang tiyan kung kaya nagmamadali siyang naghanap ng banyo. Occupied ang banyo sa ibaba ng bahay  at nakita siya ni Robin na alumpihit at hindi mapakali. Hiyang-hiya man, sinabi na rin niya sa lalaki ang totoo. Natatawang niyaya siya ni Robin sa itaas. Doon na lang daw sa kuwarto nito siya gumamit ng banyo.

Sumariwa sa kanyang alaala  iyon. Binuska siya ni Robin, sinabing pahihiramin siya nito ng salawal kung sakaling kakailanganin niya ng pamalit.

"For sure hindi mo gugustuhing umuwi ng walang suot na undies. Hindi rin naman kakasya sa iyo ang panty ng mommy ko. Dahil kita mo naman ang katawan ng mommy ko. Huwag ka na mahiya sa akin, classmate. Pahihiramin kita ng briefs ko kung kinakailangan. Okay lang iyon sa akin kaysa umuwi ka nang wala, 'di ba?Ikaw rin, masama raw nahahanginan 'yon."

"Puwede, labas ka na muna?"

"O, bakit? Ayaw mo bang 'antayin kita hanggang sa matapos?""

"H-hindi na..."

Lalong napangisi ang kumag. "O, sige na nga. Ngayon ko lang napansin, cute mo pala kapag ganyang nagpipigil ka..."

Napatingin si Geneva  kay Robin na kampanteng kumilos sa sariling silid. Lahat ng muwebles at kasangkapan sa silid ay pulos gawa sa kahoy. Maging ang four-poster bed ay  gawa sa narra. Nang makita ang kama ay  nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi. Gayunman, mabilis niyang kinalma ang sarili.

Napansin niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Robin. Nakaupo ito sa gilid ng kama at tumingin sa kanya.

Nakasuot siya ng maong na shorts at manipis na polong puti na ang pinakapanloob ay gray na sando at  nakaputi siyang sneekers.

Ngumiti siya. "Napagod ka sa biyahe?"

Umiling ito.  "Ang utak ko ang exhausted."

"Kaya ka nga nandito para mag-relax."

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon