CHAPTER SIX

9.6K 181 17
                                    


MASAMANG BIRO

SA BLUE Onion Bar ginanap ang birthday celebration ni Doreamon Sulibit o "Emon", ang isa sa malapit na kaibigan at kasosyo sa mga negosyo ni Robin. Mag-aalas-nuwebe na dumating sa bar sina Geneva at Robin. Marami nang bisita na ayon kay Robin ay halos mga negosyante at ang ilan ay mga batang-batang politiko sa parteng iyon ng Laguna. Palibhasa, mula sa angkang ng mga politiko si Doreamon Sulibit.

Simple lang ang suot ni Geneva. Tight-fitting white jeans at loose black top na medyo lantad ang makinis niyang leeg at balikat. Nakaalalay sa kanya si Robin papasok sa loob ng bar. Agad namang bumungad sa kanila si Emon. Nagbatian ang dalawang lalaki ng malakas na tapik sa likod.

"Finally, Brad, you've meet your match," nang-aasar na wika ni Emon, sabay simpatikong ngumiti sa kanya.  "Hello, Gen. You look perfectly lovely. Mukhang magaling mag-alaga ang brad ko."

"Hi, Emon. Happy Birthday."

 Akmang gagawaran siya ng halik sa pisngi ni Emon subalit mabilis na nagsalita si Robin.

"Hep, hindi puwede," seryosong sabi ni Robin.

Napangisi si Emon. "At kailan ka pa naging seloso, ha?"

Hindi iyon sinagot ni Robin.

Hindi alam ni Geneva kung ano ang eksakto niyang nararamdaman sa inakto ni Robin.

Nakangiting tinapik ni Emon sa balikat si Robin. "Tine-testing lang kita, brad. Ngayon, alam ko na ang epekto ng love virus na 'yan."

Naputol ang pag-uusap ng dalawang lalaki nang mag-ring ang cell phone ni Robin. Saglit itong nakipag-usap at maaliwalas na ang ekspresyong bumaling sa kanila.

"Parating na sina Miguel," wika ni Robin.

"Okay, please enjoy the party, Gen, brad. Doon muna ako kina Rusty."

Natuwa si Geneva  sa kaalamang  makikita na niya uli si Ciarra. Hindi siya makapaniwala na mabilis nang lumipas ang ilang linggo mula nang ikasal ito at si Miguel.

Hindi binibitiwan ni Robin ang kamay niya habang nakikipag-usap  sa ibang mga barkada nito. Kung hindi lang dumating sina Miguel at Ciarra ay magmumukha silang naka-epoxy sa isa't isa.

Saglit pa ay nabaling na ang atensiyon ni Geneva  kay Ciarra. Si Robin naman ay kay Miguel. At gaya ng inaasahan ni Geneva, sermon ang inabot niya sa kaibigan.

"Goodness, Gen! Nauna ang... bago ang..." nakatawa ngunit iiling-iling na sabi ni Ciarra. "Nawala lang ako saglit... bumigay ka na agad."

Inirapan ni Geneva  ang kaibigan. Sa totoo lang para siyang napapahiya. "Naman! 'Wag ka naman mang-asar. Best friend pa naman kita, akala ko maiintindihan mo ako."

"Inintindi naman kita. Hindi naman ako tutol, ah. Alam mo naman sa una pa lang ay gusto ko na kayo ang magkatuluyan ni Robin. Aayaw-ayaw ka pa sa kanya, eh. Nagpapakipot ka pa. Nadaan ka ano...  sa paspasan...."

Lalong nag-init ang mukha niya.  "Ayaw ko naman talaga sa kanya—" 

"Dahil hindi mo matanggap na 'yong lalaking mahal mo, eh maloko noon sa mga babae ," agap ni Ciarra.

"Ganoon na nga. Pinipigilan ko. Kaso, ang hirap pala."

Bumungisngis ito. "So, paano tuloy na sa simbahan 'yan, ha?"

"Iyon ay kung magpo-propose uli siya sa akin?

"Bakit naman?'

"Inalok na niya ako pero ako 'yong tumanggi. Ako 'yong may gusto ng ganitong set-up, trial muna."

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon