CHAPTER SEVEN

8.8K 187 11
                                    


FORGET-ME-NOT

"THE PATIENT is suffering from retrograde amnesia and is  more likely to remember general knowledge rather than specifics. Recent memories are less likely to be recovered, but older memories will be easier to recall  in time.  This type of amnesia is usually temporary and can be treated by exposing the patient  to memories from the loss. Many forms of amnesia get cured without any treatment."

"However, there are a few ways of coping  with memory loss. One of these ways is equipping  amnesiacs  with coping  mechanism such as pictures to help them  amnesiacs remember the names of friends, family and loved ones. Notebooks, journals and photographs of people and places are memory aids that can help as well. There is still no actual cure  for amnesia. To what  extent the patient recovers and how long the amnesia will continue depends on the type and severity of the lesion. Sa kaso ni Robin, 'yong matinding impact ng paghampas ng ulo niya sa salamin, ang naging sanhi ng pamamaga sa bahagi ng..."

Halos walang mawawaan si Geneva sa mahabang eksplanasyon ng espesyalistang sumuri kay Robin.

"... iyong mga recent na mga nangyari at  mga bagong impormasyon, iyon ang hindi niya maalalala o matandaan."

Kung ganoong nakilala agad ni Robin  si Maricar at siya ay hindi...  ang ibig sabihin ay nawawala sa alaala nito ang tungkol sa kanya.

Pitong buwan na ang nakalipas nang maganap ang pagkikita nila ni Robin sa shop ni Ciarra. From then on, nangulit na ito sa kanya, nanuyo, nanligaw. Subalit ang natatandaan lang ng binata ay si Maricar, at mukhang ang mga  pangyayari, ang mga namagitan sa mga ito ang nanatili sa memorya ni Robin. At iyong sa kanya--  sa kanila ay  nawala na parang bula..

Bagaman nasasaktan ay pilit nagpakatatag ni Geneva. Tinanggap niya ang sitwasyon ni Robin. Pinalalakas na lang niya ang loob  na hindi naman magtatagal at babalik din sa dati ang lahat. Magiging okay na uli si Robin. Ayon nga sa doktor, pansamantala lang ang kalagayan nito.

Nang araw na maaari nang lumabas ng ospital si Robin ay nag-usap-usap sila ng mga magulang nito. Labis na ipinagpasalamat ni Geneva  sa naging desisyon ng mga ito na ipauubaya sa kanya ang pag-aasikaso at pag-aalaga kay Robin. After all, ayon sa mommy ng nobyo, bagaman hindi pa sila nakakasal ay maituturing na siyang maybahay ni Robin, kahit pakiramdam niya ay tila tinutulan ni Robin ang naging desisyon ng mga magulang na siya ang mag-aasikaso rito. Nasasaktan si Geneva ngunit kailangan niyang magpakatatag at unawain ang nobyo.

Inihatid sila ng mga magulang ni Robin  sa tinutuluyan nilang pad. Pagkatapos ay umalis din pagkaraang masigurong maayos na si Robin.

Huminga nang malalim  si Geneva  nang mapansing titig na titig sa kanya si Robin. Wari ay masusi siya nitong pinag-aaralan, inooberbahan. Mas gusto niya ang ganoon. Kung maaari nga lang, sa bawat minuto, sa bawat oras, sa bawat sandali... ang tingin at ang atensiyon ng binata ay nasa kanya lang.

Nakaupo si Robin sa sofa, nakasuot  ng puting T-shirt, maong na pantalon, at green na Espadrille. Kanina ay nakasuot pa sa ulo nito ang itim na cap. Noong nasa hospital pa sila, binanggit ni Robin  sa kanila na hindi ito komportable sa ayos ng buhok kung kaya nang makalipat na ito ng kuwarto, ang mommy na nito mismo ang nag-shave sa buhok ng lalaki.

Ngayon ay tumubo na ang buhok ni Robin ng ilang sentimetro bagay na lalong nagpalakas sa appeal nito.

"Nagugutom ka na ba?"

Umiling ang binata, ang ekspresyon ay  tila may nais na alalahaning bagay.

Pinilit  ngumiti ni Geneva.  "Ano'ng gusto mong kainin?" Bigla tuloy niyang naalala na kapag iyon ang  kanyang itinatanong  kay Robin  ay isang pilyong sagot ang nahihita niya mula rito. "Ikaw siyempre, my complete meal."

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon