CHAPTER TEN

10.1K 210 79
                                    

LIFELINE

MATULING lumipas ang isang linggo. Bumalik na uli sa dati ang buhay ni Geneva. Bahay-bangko,bangko-bahay. Iniiwasan na muna niyang tumambay sa shop ni Ciarra. Lalo lang umaantak ang kirot sa puso niya kapag nakikita ang pamilyar na lugar na nagpapaalala sa kanya kay Robin.

Alam na rin ni Ciarra ang tungkol sa naging desisyon niya kung kaya hindi na natuloy ang planong pagsama-sama sana nila sa mountain resort. Nang araw na umalis siya sa bahay ng mga magulang ni Robin ay iyon na ang huling pagkakataon na nakita niya si Robin.

Naalala pa niya nang tumawag ito sa kanya nang nasa expressway na ang bus...

"Saan ka pupunta? Bakit ka umalis?"

"Kailangan ko ng bumalik sa work ko. Siguro, kailangan ko munang bumalik sa dati..."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I don't think ako ang kailangan mo. Robin. I mean, hayaan na natin 'yong panahon ang gumamot sa karamdaman mo... kung maibabalik pa 'yong nawalang alaala sa memorya... "

"Geneva..."

"Sorry,  pero pa-drain na ang  battery ng cp ko." Mabilis na niyang pinutol ang pag-uusap nila ni Robin. Paano ay wala nang ampat ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Kahit isang linggo na ang nakalipas ay mababaw pa rin ang luha ni Geneva. Kaya nga pagkagaling sa bangko ay deretso na siya sa kanyang silid.

Kinausap siya ng kanyang mamang at alam na nito ang naging pasya niya. Nais niyang sa sariling pamamaraan  ni Robin o sa natural na paraan ay gumaling ito. Wala naman siyang dapat ipag-alala hinggil sa kapakanan ng binata dahil alam niyang hindi ito pababayaan ng mga magulang. Isa pa, siguradong bibisita si Maricar at sa pagbisita ng babae ay ikatutuwa iyon  ni Robin. The thought that he was spending time with other women made her jealous. Sobrang selos. Kaya ayaw nang isipin pa ni Geneva kung ano pa ang maaaring maganap sa pagitan nina Robin at Maricar. They used to be lover. They used to fu--

Enough! sawata ng kanyang isip. 

Inunawa si Geneva ng kanyang mga magulang. Natuwa ang mga ito na muli siyang bumalik sa bahay nila. But then, she felt miserable. Walang sandaling hindi niya naaalala si Robin. Ngunit maisip nga lang na si Maricar ang kasa-kasama ng binata ay sapat na para matauhan siya. Patunay niyon ang hindi na muling pagtawag sa kanya ni Robin. Tiniis niyang huwag na itong kontakin.

Move on na, Geneva.

Huminga siya nang malalim. Binuksan niya ang kanyang laptop para libangin ang sarili sa panonood na lang ng kung ano-ano sa Youtube. Iniiwasan na niyang magbukas ng kanyang Facebook account at maging sa Instagram.

Mayamaya ay may kumakatok sa pinto. Iniluwa niyon ang mamang niya.

"Aalis na kami, anak. Hindi ka ba talaga sasama sa amin ng papang mo?"

"Kayo na lang, 'Mang. Tinatamad po talaga ako." Birthday at blessing na rin ng bagong bahay ng Tiya Helen niya, bunsong kapatid ng kanyang mamang na nakatira sa Antipolo. Naglambing si Tiya Helen sa mamang niya na mag-overnight sa bagong bahay. Isinasama si Geneva ngunit tumanggi siya. Maglalaba na lang siya at magpaplantsa komo may sakit ang  tagapamalantsa nilang  si Manang Mila. Siya na rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay ngayon.

Kahit paano, may alam na siyang lutuing putahe. Natututo na siya. Ipinaubaya na sa kanya ng mamang niya ang trono nito sa kusina.

Hindi na pinilit si Geneva ng papang niya. Saglit pa ay inihatid na niya ng tanaw ang papalayong sasakyan ng mga magulang. Isinara na niya ang gate, pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib bago pumasok sa loob ng bahay. Ngunit agad din siyang napalabas nang sunod-sunod na may nag-doorbell.

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon