CHAPTER SEVENTEEN

9K 182 118
                                    


OPLAN GEN X

BINALIKAN ni Geneva sa isip ang naging pag-uusap nila ng kaibigang si Ciarra. Nasasaktan at naaawa siya nang malaman ang kasalukuyang pinagdadaanan ni Robin. Kahit nagbitiw na siya ng salitang magmo-move on na, pipiliting makalimot kaya ayaw na sana niyang makarinig ng ano mang balita tungkol sa binata, ngunit hindi pa rin siya makatiis. Ano pa at sa pag-uusap nila ni Ciarra ay naging determinado siyang ituloy ang OPLAN GEN X!

"Ayon kay Rusty, may babaeng matagal nang interesado kay Robin. Hindi pa raw kayo ng time na 'yon. Nanliligaw o nanunuyo pa lang sa 'yo si Robin no'ng ma-meet nina Rusty, Miguel at Robin ang babaeng iyon nang minsang nag-bar sila. Her name is Vanilla, a businesswoman, at type sana ni Rusty pero ang talagang gusto at very vocal sa pagsabing trip niya si Robin. Well, kahit papaano makakagaan ng loob mo dahil hindi pinatos ni Robin ang babaeng iyon."

"Base pa sa narinig ko, at inamin na rin sa akin ni Miguel na nakombinsi nila si Robin na subukang makipag-date kay Vanilla. And take note, kasama si Vanilla sa hindi maalala o matandaan ni Robin. Clueless siya kung sino si Vanilla. Dahil mokong talaga si Rusty, napakagaling mambuyo, mandemonyo na kesyo hindi raw magsisisi si Robin kung alindog ni Vanilla ang pag-uusapan. Ibig sabihin, may thrill, mas exciting since hindi naman naging ex ni Robin si Vanilla, kaya malamang daw ay mapapagana ang comatose nang aparato ni Robin."

"Kaya maaga pa lang ay ginising ko na si Miguel para abatan na  kausapin si Rusty. Kailangan baguhin ang plano. Sa halip na ang babaeng 'yon ang makaka-date ni Robin, eh, dapat ikaw. Alam ko naman, papayag ka, 'di ba?"

"Best friend nga talaga kita," naalalang sabi ni Geneva kay Ciarra, niyakap at hinalikan pa niya ang kaibigan. " Sa Tuesday na ang flight ko.  Iniisip ko pa lang na aalis ako nang hindi ko man lang nakikita si Robin, ang bigat sa dibdib. Nag-iisip na talaga ako ng paraan kung paano ko siya makikita kahit saglit."

"Kaya dapat mong i-push ang Oplan Gen X. 'Buti sumang-ayon si Rusty sa naisip kong idea. Bah, kung hindi makikipag-cooperate ang mokong na 'yon, ipapakulam ko siya. Kaya lang, ang problema, ayaw na ni Robin. Nagbago na ang isip. Hindi na interesado. Walang balak na tawagan o i-message pa ang number na ibinigay ni Rusty which is number mo  nga. Paano 'yan, Gen?"

"Kapag gusto, maraming paraan, Ira.  Gagawin ko ang lahat para lang makombinsi ko siyang makipagkita."

"Mukhang ibang Geneva na nga yata ang kausap ko, ah. Hindi na urong-sulong. Hindi na takot sumubok."

"Kailangan ko ng kaunting impormasyon tungkol kay Vanilla. Kapag inumpisahan ko nang i-message si Robin, kailangan may alam ako tungkol sa babaeng iyon."

"Okay, madali lang 'yan. Tatawagan ko uli si Rusty mamaya. May tanong lang ako, Gen. Nakahanda ka ba sa magiging outcome? Kasi 'di ba, it's either failed or successful ang magiging resulta."

"Ano man ang maging outcome, hanggang doon na lang, Ira. I mean, that will be my last moment with him.  Kung mag-failed, maiisip na niyang kailangan nang komonsulta sa specialist. At kung...  magiging okay na siya... at least, may nagawa ako para sa kanya. Maluwag na sa loob kong aalis ng bansa."

"Ay ganoon? Akala ko pa naman—"

"Hindi na, Ira. Hindi na ako naghahangad na madugtungan pa ang sa amin. Magpapanggap akong si Vanilla, hanggang doon na lang. Wala akong intensiyong magpakilala. Ang sa akin lang, may mabaon akong huling alaala sa paglayo ko."


"HI! I KNOW you before.  Btw, this is Vanilla."

Nanatiling tahimik ang cell phone ni Geneva. Ang lakas-lakas ng kaba ng kanyang dibdib habang naghihintay ng reply ni Robin. Nag-iisip siya ng mga bagay na posibleng kumuha ng interes ni Robin.

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon