CHAPTER SIXTEEN

10.2K 198 131
                                    


NSA (NO STRINGS ATTACHED)

MATAGAL nang nakahiga sa kama si Ciarra, hirap siyang makatulog kapag ganoong wala pa sa kanyang tabi ang asawa. Alam niyang naroon pa rin si Miguel sa videoke room kasama ang mga ka- brad at mukhang hindi pa rin matapos-tapos ang pakikipagkuwentuhan kina Robin, Emon at Rusty. Sinabi iyon sa kanya ni Mang Caloy matapos maghatid ng inumin sa videoke ay nagpaalam na sa kanya na magpapahinga na.

Bumangon si Ciarra, kinuha ang cell phone na nasa ibabaw ng side table. Alas-onse y media na pala ng gabi. Tuluyan na siyang umahon sa kama, kinuha ang puting cardigan at ipinatong sa suot na puting loose shirt at pajama. Manunundo na siya ng mister na mukhang napaparami na ng inom ng alak. Bago tuluyang lumabas ng kuwarto ay hinaplos muna niya ang kanyang tiyan. "Huwag sanang masyadong lasing ang daddy mo, baby."

May kalayuan ang pavillion kung saan naroon ang videoke room. May sarili silang villa na inookopa roon. Napapalibutan ang villa ng mga punong kahoy. Nang makalabas ay sinalubong si Ciarra nang malamig na paspas ng hangin at konsiyerto ng mga kuliglig at mga panggabing ibon. Hindi niya mapigilang mangiti sa tuwing makakarinig ng huni ng mga kuliglig. Gustong-gusto niya ang ganoong klaseng tunog. Musika sa kanyang pandinig. Walang takot na binaybay niya ang mahabang pathwalk na magtatapos sa playground. May mga nakasinding lamp post sa paligid kaya maliwanag ang paligid. Hindi nagtagal ay ay narating niya ang pavillion.

Wala na siyang naririnig na kumakanta. Kaya sigurado si Ciarra na nagkukuwentuhan na lang talaga sina Miguel. Nang nasa tapat na siya ng videoke room, sumilip muna siya sa bahagyang nakabukas na sliding glass door. Inobserhan niya ang mga ito, partikular ang kanyang asawa habang kausap sina Robin at Rusty. Mukhang masinsinan ang pag-uusap ng tatlong lalaki. Samantalang si Emon ay tulog na pala sa sofa.

Naisip ni Ciarra na mag-text na muna dahil bigla siyang nagdalawang-isip na magpakita sa mga ito. Ayaw naman niyang nakakantiyawan ang kanyang mister ng mga brad nito.

"Hindi pa ba kayo tapos? Kanina pa kita hinihintay." Muli siyang sumilip sa pinto, umaasang maiisipan ni Miguel na mag-check ng cell phone nito. Hindi man niya gusto ngunit nakakaramdam siya ng inis. Naghintay siya ng ilang minuto subalit nanatiling tahimik ang kanyang cell phone.

"Aba! Nag-e-enjoy ang mokong. Mukhang wala pa talagang balak na magpahinga. Teka nga, ano bang pinag-uusapan ng mga ito?"

Tahimik ang paligid, kaya naririnig ni Ciarra ang pag-uusap ng tatlong lalaki. Mayamaya ay nanlaki ang kanyang mga mata sabay napatakip ang kamay sa sariling bibig. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig na diskusyon ng tatlong lalaki. At higit sa lahat, ang tinamaan na magaling niyang asawa ay kasama ngayong nagpapalano kung paano maaaksyonan ang kinakaharap na problema ni Robin.

"So, kung out ang ex-girlfriends, and I'm sure, hindi ka naman papatos ng bayaran," narinig ni Ciarra na sabi ni Miguel sabay buntong-hininga na para bang pasan nito ang bigat ng problemang kinakaharap ng amigo nito.

Sandaling namayani ang katahimikan.

Nakaramdam ng tensiyon si Ciarra ngunit pilit na lang niyang kinakalma ang sarili.

"Amnesia is a scary sickness. No memory means losing everything including the time and people," wika ni Robin, bakas sa tono ang panlulumo.

"Come on, amigo! If you don't do anything, nothing happens," panghihikayat na sabi naman ni Miguel.

"Oh, yeah, tama si Migs. Aksyonan mo habang maaga pa, Robin. Ang ganyang bagay ay hindi dapat pinagtatagal. Teka, may naalala ako. Remember, Lady Vanilla? We met that lady last year sa isang bar sa Libis. And she was into you. Kung natatandaan mo, napaka-straightforward niya? In fact, type ko sana. I like her personality. Walang ligoy. Walang kiyeme. 'Yon lang, ikaw ang type, brad Robin. Gusto ka niyang maging FUBU."
"FUBU?"

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon