CHAPTER TWENTY FIVE

11.5K 308 58
                                    


TAYO'Y MAGPAKASAL NA

ARAW ng Linggo, maagang nagsara ng shop sina Geneva. Magkasama silang nag-grocery ng kanyang mamang habang ang kanyang papang ay nauna nang umuwi ng kanilang bahay upang makapagligpit sa kusina at sala. Darating din kasi ang Tiya Helen niya, kasama ang mister kaya kailangang may madatnan na ang mga ito sa kanilang bahay.

Magluluto sila ng espesyal na hapunan para i-celebrate ang thirtieth wedding anniversary ng kanyang mga magulang. Hindi niya napigilan ang kanyang mamang nang imbitahin nito si Lucio na sa kanila na maghapunan. At hindi niya rin inaasahan nang biglang maisipan ng kanyang mamang na imbitahin na rin daw sina Ciarra at Miguel. Kinulit siyang tawagan na agad ang kaibigan para malaman kung makakapunta ang mag-asawa. Hindi naman sa kinakabahan siyang baka mag-usisa ang kanyang mamang kay Ciarra tungkol sa nadadalas siyang nasa bahay ng kaibigan. Alam naman ni Ciarra ang totoong sitwasyon kaya pagtatakpan siya nito sa lihim niyang pakikipagkita kay Robin. Gayonman, pinayuhan siya ng kaibigan na huwag nang pagtagalin pa at magsabi na siya ng totoo sa kanyang mga magulang.

Hindi siya makahanap ng tiyempo na tawagan si Robin upang ipaalam na malabong magkita sila sa araw na iyon. Mula pa kaninang manggaling sila sa grocery at makauwi ng bahay ay nasa paligid lang ang kanyang mamang at papang. Aligaga sila sa kusina.

Hindi siya mapakali sa ginagawang pagbabalat at paghihiwa ng mga gulay kaya nagpasya siyang isingit ang pag-text kay Robin. Pumasok siya sa banyo at mabilis na inilabas ang cell phone sa bulsa ng suot na apron. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay kinatok na siya ng kanyang mamang.

"Anak, bilisan mo d'yan. Kailangan ko na 'yong carrots at patatas. Nagpipresenta ang papang mong ituloy ang paghihiwa, sabi ko'y ikaw na para maganda ang pagkaka-slice."

"Sandali na lang, Mang." Nag-send na lang ng text message si Geneva kay Robin. Kung tatawag siya, baka marinig mula sa labas na may kausap siya. Knowing Robin, siguradong kukulitin siya at hindi agad puputulin ang tawag.

"Wala munang date today. Hindi ako makakaalis." Saglit siyang naghintay ng reply. Inaasahan niyang hindi basta-basta sasang-ayon si Robin kaya mag-uusisa ito tiyak. At kapag sinabi niya ang rason, hindi ito papayag. Igigiit nitong pupunta na sa kanilang bahay. Nagtaka siya nang makalipas ang dalawang minuto ay wala pang reply ang binata. Sinundan na niya ang text message.

"Wedding anniversary nina Mamang. Gustuhin ko mang magkita tayo, huwag muna today. Nagreredi kami ng pagsasaluhan mamaya."

"Are you okay, Robin? Busy ka ba?"

Saka lang nag-reply si Robin.

"Wow! Please tell your parents, happy wedding anniversary. Okay, I totally understand na hindi tayo makakasingit mag-date. I'm quite busy too."

"Sure ka na okay lang?"

"Yeah. No worries. May dinner date rin kami. Sorry, I forgot to tell you. Yesterday pa nandito ang parents ko. Nagyaya sina Kuya Tobey ng dinner out."

"Ah, okay, enjoy!"

"You too."

"I love you, Gen..."

Parang hinaplos ang puso niya sa huling text message ni Robin. Gayonman, hindi na siya nag-reply dahil sa muli na namang kumatok ang kanyang mamang.

ANG BONGGA raw ng ideya ng papang ni Geneva, ayon kay Ciarra. Kasi naman nalula ang kanyang best friend nang makitang nakaayos ang bakuran nila, may mga paso ng sunflower na nakahilera sa pathwalk. Sa kanilang bakuran sinet-up ng kanyang papang, at ng kanyang Tito Ronie ang mahabang mesa at mga upuan. Ang bagong sasakyan, Honda Vios ay ilang araw nang nasa garahe nila, wedding anniversary gift ng kanyang Nath sa kanilang mamang at papang.

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon