CHAPTER TWENTY ONE

6.2K 141 7
                                    

FACE TO FACE

NAGPASYA si Robin na harapin ang paglilinis ng kanyang pad. Maraming dapat iligpit at magdidispatsa na rin siya ng mga gamit na hindi sa kanya. Pagdating niya ng pad ay agad na inumpisahan nang makitang mistulang dinaanan ng ipo-ipo ang loob ng kanyang  pad. Hindi na nakuhang magpalit ng damit, pinagbubuksan niya ang closet at saka pinagsasasamsam ang lahat ng mga damit at gamit ni Geneva. Hinagis niya muna ang mga iyon sa ibabaw ng kama. Dahil mayamaya lang ay parating na si Renan na inutusan niyang bumili ng malaking luggage, black garbage bag at cleaning stuffs kaya kailangan nang maipon ang lahat ng mga ilalagay sa maleta at maihiwalay ang mga itatapong basura. Matapos niyang mailagay ang lahat ng gamit ng babae sa ibabaw ng kama, inipon niya sa lapag ang lahat ng naisuot na niyang t-shirts at mga jeans dahil balak niyang ipa-laundry na lang ang mga iyon.

Sumunod na hinarap ni Robin ang banyo. Napakamot siya sa noo nang mapagtuunan ng pansin kung gaano na pala kagitata ang tiles, lavatory sink at toilet bowl. Hindi niya nahaharap na maglinis dahil pagdating niya ay bagsak kaagad siya sa kama.

Nagising siya sa katotohanang marami na talaga siyang napapabayaan. Mismong sarili niya ay hindi niya maasikaso.

Malalim ang buntong-hiningang pinawalan ni Robin at pagkuwan ay kumuha ng plastic bag para paglagyan ng mga itatapong gamit. Sama-sama sa ibabaw ng lavatory sink ang mga gamit niyang panligo.

Sa pinakasulok ng banyo ay naroon ang three-layered plastic rack na kinalalagyan ng iba't ibang mga botelya. Sa ilalim niyon ay naroon ang shampoo, conditioner, body wash at kung ano-ano pang malalaking botelya. Hindi sa kanya ang mga iyon. Dinampot ni Robin ang pulang bote at binuksan ang takip. Inamoy-amoy niya. Hanggang sa wari ay nag-alsahan ang mga maliliit na balahibo sa kanyang batok, at maging sa kanyang buong katawan nang malanghap ang amoy ng shampoo. Pamilyar sa kanya ang scent. The scent is slightly musky, slightly fruity... 

What the fuck!  It's spellbinding.

Kasunod niyon ang tila pagbundol ng kung ano sa kanyang dibdib. Tila may nagbabalik na alaala sa isip niya habang nanatiling nakatapat sa kanyang ilong ang nakabukas na shampoo. Hindi pa siya makontento kaya ibinuhos niya sa kanyang palad ang laman at muling inamoy-amoy ang malapot na puting likido. Nang may biglang sumulpot na ideya sa isip niya. Masyadong tumatak sa kanyang memorya ang nakalalangong sanghaya ng buhok, ng buong katawan ng babaeng... nakatalik niya. Ganoon na ganoon. Hindi siya maaaring magkamali. Sukat ay nagmamadaling lumabas sa banyo si Robin at tinungo ang bedside table at mula sa pinakailalim ng drawer ay inilabas niya ang pulang bikini. Inilapit niya iyon sa kanyang ilong at mabilis na nag-flashback sa kanyang isip ang mga naganap.

Dinampot ni Robin ang isa pang underwear, ang itim na bikini. Pareho niyang inilagay sa ibabaw ng isang unan at pinakatitigan. Bumilis pang lalo ang tibok ng kanyang puso habang tila sasabog ang ulo niya sa naiisip na posibilidad...

Hindi nga kaya?

Hell, no! All right, hindi si Geneva... but then...


ANG tamis ng pagkakangiti ni Lucio, kasama ng binata ang mamang at papang ni Geneva na naghihintay na makalapit siya sa kinaroroonan ng mga ito. Kung wala lang siguro ang mga guard na nakabantay sa harang sa tapat ng arrival area ng airport ng Terminal 2 ay mukhang gustong-gusto na ng binata na takbuhin siya.

Hanggang sa makalapit si Gevena at puno ng pangungulilang niyakap niya ang kanyang mamang at pagkuwan ay ang kanyang papang naman.

"Sobrang na-miss ko po kayo..." nangingilid ang luhang sabi niya sa mga magulang. Ganoon din ang kanyang mamang. Ang papang naman niya ay pasimpleng nagpahid ng mga mata.

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon