Chapter 9

50 4 0
                                    

Maaga akong nagising ng araw na iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga akong nagising ng araw na iyon. Mag kikita kasi kami ni Janine. Since, rest day niya ngayon dahil kakatapos lamang ng isang niyang subject na ni-cover niya.

Ang dami kong gustong ikwento sa kanya. Lahat nang hinanakit sa puso ko na naipon na nung mga nakaraang araw. Kay Janine ko lang naman nasasabi lahat ng iyon. I was very open to her. After all she's my bestfriend.

"Where are you going?" Mom asked nang makasalubong ko siya sa pasilyo ng mansion. I kissed her cheeks.

"Meeting with Jan, Mommy. Coffee shop lang na malapit." I've told her. Napa awang ang bibig nito na ipinag taka ko.

"Pero, nag hihintay sayo si Hideo sa may salas. Kanina pa iyon." Napa kunot ang noo ko. Ano na namang ginagawa niya dito? Di ba sa lunes pa ng umaga ang simula ko sa kanya. I still have two days for myself. Nag paalam ako kay Mommy at nag simula nang maglakad patungong sala. Sumalubong sa akin ang kampanteng nakaupo na si Hideo. Suot suot na naman ang nakakainis niyang ngiti.

"Anong nigagawa mo dito?" Agad na tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Nakasimangot ako. Well, I can't hide it.

"How rude. Walang Hi, Hello?" Nakaka lokong sabi nito sa akin. Hindi ko iyon pinansin at sinamaan ko pa siya lalo ng tingin.

Im starting to get really annoyed on him. Nakakainis ang mga galawan niya.

"Sasama ka sa akin. May pupuntahan tayo." Sabi nito. Napasingkit agad ang mga mata ko sa sinabi niya. What the? Ano ako manika na ngayon?

"Who do you think you are?" I said. Pinag kakatigan ko ito. Gusto kong malaman niya wala siyang karapatan na manduhan ako.

"Im Hideo Vladimir." Ganting sagot nito. Na lalong nakapag paasar sa akin. Uggh!

"May lakad ako, pwede sa ibang araw nalang?" Inis na sabi ko sa kanya. Nag kibit balikat ito at tumayo sa pag kakaupo.

"If that's the case, Im coming with you." Kampanteng sagot niya at nilagpasan ako. Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. What the? Tama ba ang narinig ko. Napabuga ako ng hangin. Impossible.

"Celine, tara na." Aniya. Hindi pa din kasi ako gumagalaw sa pag kakatayo ko.

"Oy, seryoso ka ba? Hindi ka pwedeng sumama sa akin. Ano ka na ngayon? Bodyguard?" Ani ko habang nag lalakad kami. Napahinto ito sa sinabi ko. Sumilay ang ngiti.

"Celine, masyadong naman akong gwapo para maging bodyguard mo lang. Over qualified ako sa posisyon na yon." Aniya nito. Ilang beses pa bang malaglag ang panga ko sa mga pinag sasabi niya?

Napairap ako sa kawalan.

"Hideo, ano bang gusto mong mangyari? I dont see any reason for you to come with me?" Sabi ko pang muli. Hindi ako pinapakinggan nito hanggang sa marating na lamang kami ng labasan at nasa tapat na mismo ng sasakyan niya. Napameywang ako. Siya naman ay sumakay na loob ng sasakyan niya.

Taming The Arrogant Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon