Chapter 28

46 4 0
                                    

No way

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

No way. As in no way. Why would I be fallen by Hideo? I mean why not? Ang gulo ko. Nasa harapan ko din si Hideo. In the same place and scenario. Kumakaway pa din siya sa akin. Ang lakas ng pag tibok ng puso ko. Feeling ko. Sasabog na yung puso ko. Napahawak ako sa shoulder bag ko. Damn, baka kapag lumapit ako kay Hideo ay marinig niya ang malakas na pag tubik nito at kinakabahan ako sa bagay na iyon.


Lalo pa ngayon na nararamdaman kong nahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Would I take the risk? O iiwas na lang ako? Hindi ko alam ang gagawin ko. Narinig kong tinawag muli ako ni Hideo.


"Celine Anne!"Sigaw nito. And damn it, He did it again. He smiled at me na feeling ko nagiging dahilan ng pag bilis pa lalo ng tibok ng puso ko. Binagtas niya ang layo nami  dalawa. Tumawid siya ng kalsada. At promise, the whole time that he was walking, ay parang naging slow ang lahat. Hindi ko alam na pwede pala talagang mangyari iyon sa totoong buhay. Nasa harapan ko na siya ngayon. Hindi ko napansin pinipigil ko na pala ang pag hinga ko. Na hipnotismo ako nito ng mga ngiti niya.


"Tara na..." Sabi niya sabay hawak sa isang kamay ko. Hinila ako nito patawid ng kalsada. I just let him be. Mag kaholding hands na naman kami ni Hideo. Natutuwa ang munting puso ko.


Iginaya ako ni Hideo sa sasakyan niya. At pag katapos ay nag mamadali itong sumakay na din. I put on the seatbelt.


"I've been busy today, Hindi na kita na text or call. Luckyly, naabutan pa din kita sa SJC." Nakangiting pahayag nito.
Di ko akalain na ang magaspang na lalaking nakilala ko noong una ay may side din palang ganto. He's gentle.


"Okay lang. Akala ko nga hindi mo na ako susunduin." Damn, huli na nang marealize ko ang mga sinabi ko. Nakita kong napangiti si Hideo sa sinabi ko. Damn me and my mouth.


"I've already told you. Hindi ko pwedeng hindi gawin." Sabi niya. Gusto kong magtanong sa kanya. Why? Bakit niya lahat ginagawa ito? Pwede bang easyhan niya lang dahil yung puso ko dinaraya ako. Im getting defeated by my heart.


Nagsimula na siyang mag drive. Masaya itong nag kukuwento sa akin. I couldn't help but to smile. Masaya ako dahil hinahayaan ako ni Hideo na makita ang side niyang iyan. Yung side na sobrang masayahin niya. Malayong malayo sa Hideo unang kong nakasalamuha. Nakita kong malaput kami sa seaside. Nakatanaw na kasi ako ngayon sa labas ng kotse niya. Nakita kong madaming tao nasa seashore. Parang maganda tumambay doon habang nakatingin sa kalangitan  na madaming bituin.


"Gusto mo bang dumaan muna tayo dyan?" Maya maya ay rinig kong sabi ni Hideo. Agad napalingon ako sa kanya at agad nagliwanag ang mukha ko. Parang batang napatango ako sa sinabi niya. Napatawa ito sa reaksyon ko. Nag hanap agad si Hideo ng pagpaparadahan ng kotse niya. Hindi naman kami nabigo dahil mabilis lang siya naka kita sa gilid ng isang establishment na nadun. Agad akong bumaba.



"Tara na." Anyaya ni Hideo nang makakababaito. Kinuha niya ang isang kamay ko at magkahawak kamay kaming naglakad. Masyadong nang nasasanay si Hideo na hinahawakan ang kamay ko.


Pumunta kami sa gilid ng seaside. Gabi na kaya puro bituin lang yung makikita mo. Nasa boardwalk kami. May mga vendor sa gilid na nag bebenta ng mga street foods. Mga batang naglalaro.


Mag kahawak pa din kami ng kamay ni Hideo. Inalalayan ako ni Hideo na maupo sa seawall nandun. Tumabi siya sa akin. Nakatingin na ako ngayon sa langit na puno ng mga bituin. Maganda ang simoy ng hangin.


"Celine, anong gusto mong kainin?" Tanong ni Hideo sa akin ilang saglit lang nakalipas. Napatingin ako sa piligid ko. I really wanna try that street food. Mukhang nakuha naman ni Hideo ang gusto ko kaya tumayo ito.


"You want that?" Sabay turo sa mamang nag bebenta ng streetfood sa si kalayuan. Tumango ako.


"Sige, dito kalang. "Sabi nito sabay kindat sa akin. Napatawa ako sa ginawa niya. Tumalikod na ito sa akin.
Tahimik naman akong nag hihintay doon sa pag babalik ni Hideo. Nakikita ko siya mula rito na magiliw na bumibili ng mga streetfoods. Medyo nakikita kong awkward yung mamang nagbebenta sa kanya siguro dahil sa dating ni Hideo ngayon. Sobrang pusturang  pustura kasi siya. Kinikilig din yung mga aleng nag bebenta ng palamig habang nakatingin kay Hideo. Napailing ako habang nakangiti. Lakas talaga ng dating ni Hideo.


Bumalik si Hideo na may dala dala dalawang malaking plastic na baso na may laman ng ibat-ibang uri ng streetfoods. Inilapag niya ito sa tabi ko
Sinenyasan niya ako na hindi pa siya tapos. Bumalik pa siyang muli dun sa bilihan at bumili ng palamig dun sa mga ale. Kilig na kilig sila.


"Ayan, pwede kanang kumain." Sabi niya pag katapos niyang umupo sa kabilang gilid. Kinuha ko yung isang stick na nandoon sa baso. Para itong bituka. Inamoy ko muna. Nakita ko naman nakatingin si Hideo sa akin.


"Isaw tawag dyan. Masarap yan. Try mo." Sabi nito. Dahan dahan ko itong tinikman. Pinapanood ni Hideo bawat pag nguya ko, suguro ay hinihintay niya magiging reaksyon ko. It tastes good! Napangiti ako sa kanya.


"Ano? Anong lasa?" Tanong nito.


"Masarap!" Sabi ko. Grabe, di ko akalain na namimissed out ko ang buhay ko. Hindi ko pa natitikman tong mga to.
Sunod kong tinikman yung bilong na kulay orange.


"Anong tawag dito?" Tanong ko. Kumakain na si Hideo nung tinatanong ko sa kanya. At mukhang enjoy na enjoy siya. Sinasaw saw pa nga niya dun sa isa pang baso.


"Kwek-kwek ang tawag diyan. Ayan naman kulay puti, fishball. Kikiam naman yung kulay brown." Sunod sunod na sabi ko sa kanya. Napa tango tango naman ako. Alam niyang lahat ng tawag dito?


"Talagang kabisado mo eh no?" Sabi ko sabay nguya dun sa kwek kwen na sinasabi niya.


"Malamang, madalas akong tumambay dati dito." Talaga? How come?


"Dito kami madalas ni Danny. Kasama si Nanay. Nag bebenta din si Nanay ng palamig dito."  Tinuro niya yung isang gilid dun na may nag titinda din ng palamig. Agad gumihit ang tanong sa mukha dahil sinabi niya? Anong ibig niyang sabihin?


"Hindi kami lumaki ni Danica sa marangyang pamilya Celine. Kaming tatlo lang nina Nanay ang mag kakasama noon. Dito, habng nag titinda ang nanay namin ng Palamig. Kami naman ni Danica nag bebenta kami ng sampaguita. This is our childhood." Kwento ni Hideo. Kahit nag kukwento siya sa akin ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang sinasabi niya kumbaga parang hindi pa na didigest ng isip ko.


"Pero, paano?" Hindi ko pa naman natatapos ang tanong ko ay nakuha na ni Hideo ang tanong ko.



"Itinago kami ni Nanay sa totoo namin ama dahil sa personal na rason. Nakilala namin si Ama. Si Mr. San Juan nang pumanaw si Nanay. Hinanap kami nito." Mapait na napangiti ito habang nag kukwento siya sa akin. Parang inaalala din  ito ang mga alaala niya. Hindi pa man niya naikwekwento sa akin ang lahat alam kong mayroong itong madilim na nakaraan. I wanted so much to know that. I wanted so much to know him. Ngayon pang alam kong unti unti nang nagkakaroon ng lugar sa puso ko si Hideo.


"Madami kapang dapat malaman sa akin Celine. I dont mind answering them." Aniya nito.


Natutuwa ang puso ko dahil kahit papano ay nasasabi sa akin ni Hideo iyon. Atleast, kahit ayun manlang muna sa ngayon.

Taming The Arrogant Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon